Job 19:1-29
19 Sumagot si Job:
2 “Hanggang kailan ninyo ako* iinisin+At dudurugin ng inyong mga salita?+
3 Sampung beses na ninyo akong sinasaway;*Hindi kayo nahihiyang pakitunguhan ako nang walang pakundangan.+
4 At kung talagang nakagawa ako ng mali,Ako ang mananagot dito.
5 Kung ipagpipilitan ninyong nakatataas kayo sa akinAt tama ang bintang ninyo sa akin,
6 Dapat ninyong malaman na ang Diyos ang nagligaw sa akin,At hinuli niya ako gamit ang lambat niya sa pangangaso.
7 Tingnan ninyo! Patuloy akong sumisigaw, ‘Kalupitan!’ pero walang sumasagot;+Patuloy akong humihingi ng tulong, pero walang katarungan.+
8 Hinarangan niya ng batong pader ang landas ko kaya hindi ako makadaan;Binalot niya ng kadiliman ang mga daan ko.+
9 Inalis niya ang kaluwalhatian koAt tinanggal ang korona sa ulo ko.
10 Sinisira niya ang buhay ko hanggang sa mamatay ako;Ang pag-asa ko ay binubunot niyang gaya ng puno.
11 Naglalagablab ang galit niya sa akin,At itinuturing niya akong kaaway.+
12 Nagtitipon ang hukbo niya para salakayin ako,At nagkakampo sila sa palibot ng tolda ko.
13 Inilayo niya sa akin ang sarili kong mga kapatid,At tinalikuran ako ng mga nakakakilala sa akin.+
14 Wala na ang malalapít kong kasamahan,*At kinalimutan na ako ng mga kaibigan ko.+
15 Itinuturing akong estranghero ng aking mga bisita+ at aliping babae;Dayuhan ako sa paningin nila.
16 Tinatawag ko ang lingkod ko pero hindi siya sumasagot,Kahit na nagmamakaawa ako sa kaniya.
17 Pati ang hininga* ko ay naging kasuklam-suklam sa asawa ko,+At naging mabaho ako sa sarili kong mga kapatid.
18 Ayaw sa akin kahit ng mga bata;Kapag tumatayo ako, nilalait nila ako.
19 Kinasusuklaman ako ng lahat ng malapít kong kaibigan,+At tinalikuran ako ng mga minamahal ko.+
20 Naging buto’t balat ako,+At halos mamatay na ako.
21 Maawa kayo sa akin, mga kasamahan ko, maawa kayo sa akin,Dahil kamay mismo ng Diyos ang humampas sa akin.+
22 Bakit ninyo ako patuloy na pinahihirapan gaya ng ginagawa ng Diyos+At walang tigil na sinasalakay?*+
23 Kung maisusulat lang sana ang mga salita ko,Kung mailalagay lang sana sa aklat ang mga iyon!
24 Kung maiuukit lang sana ang mga iyon sa bato magpakailanmanGamit ang panulat na bakal at tingga!
25 Dahil alam na alam kong buháy ang manunubos ko;+Darating siya at tatayo sa lupa.*
26 Pagkatapos na mapinsala nang ganito ang balat ko,Habang buháy pa ako, makikita ko ang Diyos,
27 Ako mismo ang makakakita sa kaniya,Sarili kong mga mata ang makakakita sa kaniya, hindi ang sa iba.+
Pero ang totoo, nanlulupaypay ako!*
28 Dahil sinasabi ninyo, ‘Paano ba namin siya pinahihirapan?’+
Na para bang ako ang ugat ng problema.
29 Matakot kayo sa espada,+Dahil ang espada ay nagpaparusa sa mga gumagawa ng kasalanan;Tandaan ninyo na may hukom.”+
Talababa
^ O “iniinsulto.”
^ O “ang mga kamag-anak ko.”
^ Lit., “At hindi kayo nasiyahan sa laman ko?”
^ Lit., “alabok.”
^ O “Bumigay ang mga bato ko.”