Job 29:1-25
29 Ipinagpatuloy ni Job ang pagsasalita:*
2 “Kung maibabalik ko lang ang mga buwang nagdaan,Noong mga araw na binabantayan ako ng Diyos,
3 Noong pinasisikat niya ang kaniyang liwanag* sa ibabaw ng ulo ko,Noong tinatanglawan niya ang paglakad ko sa dilim,+
4 Noong* nasa kalakasan pa ako,Noong kaibigan ko pa ang Diyos at siya ay nasa tolda ko,+
5 Noong sumasaakin pa ang Makapangyarihan-sa-Lahat,Noong nasa tabi ko lang ang mga anak* ko,
6 Noong naliligo pa sa mantikilya ang nilalakaran koAt ang mga bato ay bumubukal ng langis para sa akin.+
7 Kapag pumupunta ako noon sa pintuang-daan ng lunsod+At umuupo sa liwasan,*+
8 Nakikita ako ng mga kabataang lalaki at nagbibigay-daan* sila,At maging ang matatandang lalaki ay tumitindig at nananatiling nakatayo.+
9 Hindi nagsasalita ang mga prinsipe;Tinatakpan nila ng kamay ang bibig nila.
10 Tumatahimik ang mga prominenteng lalaki;Ang dila nila ay nakadikit sa ngalangala nila.
11 Pinupuri ako ng mga nakaririnig sa akin,At magagandang bagay ang sinasabi ng* mga nakakakita sa akin.
12 Dahil inililigtas ko ang mahirap na humihingi ng tulong,+Pati ang batang walang ama at ang sinumang walang katulong.+
13 Pinupuri ako ng naghihirap,*+At pinasasaya ko ang puso ng biyuda.+
14 Isinusuot ko ang katuwiran;*Ang katarungan ko ay gaya ng mahabang damit* at turbante.
15 Ako ay naging mata para sa bulagAt paa para sa pilay.
16 Ako ay naging ama para sa mahihirap;+Iniimbestigahan ko ang kaso ng mga hindi ko kilala para tulungan sila.+
17 Binabasag ko ang panga ng gumagawa ng masama+At inililigtas ang biktimang kagat-kagat niya.
18 Sinasabi ko noon, ‘Mamamatay ako sa sarili kong tahanan,*+At ang mga araw ko ay magiging kasindami ng butil ng buhangin.
19 Ang mga ugat ko ay aabot sa katubigan,At ang hamog ay magdamag na nasa mga sanga ko.
20 Ang parangal sa akin ay hindi kumukupas,At patuloy akong magpapahilagpos ng pana sa kamay ko.’
21 Sabik na nakikinig ang mga tao,At tahimik nilang hinihintay ang payo ko.+
22 Pagkatapos kong magsalita, wala na silang masabi;Ang mga salita ko ay masarap sa pandinig nila.*
23 Hinihintay nila ako na gaya ng ulan;Ibinubuka nila ang bibig nila para inumin ang mga salita ko na gaya ng ulan sa tagsibol.+
24 Kapag nginingitian ko sila, hindi sila makapaniwala;Napapanatag sila dahil sa saya ng aking mukha.*
25 Pinapayuhan ko sila bilang ulo nila,At gaya ako ng hari sa gitna ng hukbo niya,+Gaya ng umaaliw sa mga nagdadalamhati.+
Talababa
^ Lit., “kasabihan.”
^ Lit., “lampara.”
^ Lit., “Noong mga araw na.”
^ O “tagapaglingkod.”
^ O “plaza.”
^ Lit., “nagtatago.”
^ O “At nagpapatotoo para sa akin ang.”
^ O “ng taong halos mamatay na.”
^ O “ng damit na walang manggas.”
^ Lit., “sa pugad ko.”
^ Lit., “ay tutulo sa kanila.”
^ O posibleng “Hindi nila pinadilim ang liwanag ng aking mukha.”