Job 3:1-26
3 Pagkatapos nito, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na ipinanganak siya.*+
2 Sinabi ni Job:
3 “Maglaho nawa ang araw na ipinanganak ako,+At ang gabi nang may nagsabi: ‘Isang lalaki ang ipinaglihi!’
4 Maging kadiliman nawa ang araw na iyon.
Bale-walain sana iyon ng Diyos sa itaas;Huwag nawang sinagan iyon ng liwanag.
5 Bawiin nawa iyon ng matinding kadiliman.*
Mabalot sana iyon ng maitim na ulap.
Takutin nawa iyon ng anumang nagpapadilim sa umaga.
6 Ang gabing iyon—balutin sana iyon ng kadiliman;+Huwag sanang magsaya iyon kasama ng mga araw ng taon,At huwag sanang mapabilang iyon sa anumang buwan.
7 Maging baog nawa ang gabing iyon,At wala sanang marinig na hiyaw ng kagalakan.
8 Sumpain nawa iyon ng mga sumusumpa sa araw,Ng mga taong nanggigising ng Leviatan.*+
9 Magdilim nawa ang mga bituin ng takipsilim nito;Hindi sana dumating ang hinihintay nitong umaga,At huwag nawa nitong makita ang mga sinag ng bukang-liwayway.
10 Dahil hindi nito isinara ang sinapupunan ng aking ina;+Hindi nito itinago sa paningin ko ang paghihirap.
11 Bakit hindi pa ako namatay nang ipanganak ako?
Bakit hindi ako namatay paglabas ko sa sinapupunan?+
12 Bakit pa may kandungan na kumalong sa akinAt dibdib na nagpasuso sa akin?
13 Payapa na sana akong nakahiga ngayon,+Natutulog at nagpapahinga+
14 Kasama ng mga hari sa lupa at ng mga tagapayo nila,Na nagtayo para sa sarili nila ng mga gusaling gumuho na ngayon,
15 O ng mga prinsipeng may ginto,Na ang mga bahay ay punô ng pilak.
16 O bakit hindi na lang ako namatay sa sinapupunan,Tulad ng mga batang hindi nakakita ng liwanag?
17 Sa libingan, kahit ang masasama ay hindi na naliligalig,At ang nanghihina ay nagpapahinga roon.+
18 Doon, ang mga bilanggo ay magkakasama at payapa;Hindi nila naririnig ang boses ng nagpapatrabaho sa kanila.
19 Ang hamak at ang prominente ay pantay roon,+At ang alipin ay malaya sa kaniyang panginoon.
20 Bakit siya nagbibigay ng liwanag sa nagdurusaAt ng buhay sa mga labis na naghihirap?+
21 Bakit ang mga gustong mamatay ay hindi namamatay?+
Mas inaasam pa nila iyon kaysa sa nakatagong kayamanan.
22 Magsasaya sila nang hustoAt matutuwa kapag nahanap na nila ang libingan.
23 Bakit siya nagbibigay ng liwanag sa taong naligaw,Sa taong ikinulong* ng Diyos?+
24 Dahil nagbubuntonghininga ako sa halip na kumain,+At bumubuhos na gaya ng tubig ang pagdaing ko.+
25 Dahil dumating sa akin ang pinangangambahan ko,At nangyari sa akin ang kinatatakutan ko.
26 Wala akong kapayapaan, katahimikan, at kapahingahan,At tuloy-tuloy ang pagdating ng problema.”
Talababa
^ Lit., “ang araw niya.”
^ O “ng kadiliman at anino ng kamatayan.”
^ Ipinapalagay na tumutukoy sa buwaya o sa isang hayop sa tubig na malaki at malakas.
^ O “binakuran.”