Job 35:1-16

  • Ipinakita ni Elihu na mali ang pangangatuwiran ni Job (1-16)

    • Sinabi ni Job na mas matuwid siya sa Diyos (2)

    • Napakataas ng Diyos kaya hindi siya naaapektuhan ng kasalanan (5, 6)

    • Dapat hintayin ni Job ang Diyos (14)

35  Patuloy na sumagot si Elihu:   “Talaga bang kumbinsido kang tama ka kaya sinasabi mo,‘Mas matuwid ako sa Diyos’?+   Sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?* Mas napabuti pa ba ako dahil hindi ako nagkasala?’+   Sasagot ako sa iyoAt sa mga kasamahan+ mo.   Tumingala ka sa langit at tingnan mo,Masdan mo ang mga ulap,+ na mas matataas kaysa sa iyo.   Kapag nagkakasala ka, napipinsala mo ba siya?+ Kapag dumarami ang pagsuway mo, ano ang nagagawa mo sa kaniya?+   Kung matuwid ka, ano ang naibibigay mo sa kaniya;Ano ang natatanggap niya mula sa iyo?+   Ang kasamaan mo ay nakaaapekto lang sa taong gaya mo,At ang pagiging matuwid mo ay nakaaapekto lang sa isang anak ng tao.   Dumaraing ang mga tao kapag inaapi sila;Humihingi sila ng tulong dahil sa panggigipit* ng mga makapangyarihan.+ 10  Pero walang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos, na aking Dakilang Maylikha,+Ang dahilan kung bakit umaawit ang mga tao sa gabi?’+ 11  Mas tinuturuan niya tayo+ kaysa sa mga hayop sa lupa,+At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga ibon sa langit. 12  Dumaraing ang mga tao, pero hindi siya sumasagot,+Dahil sa pagmamataas ng masasama.+ 13  Tiyak na hindi pinakikinggan ng Diyos ang walang-saysay na pag-iyak;*+Hindi iyon pinapansin ng Makapangyarihan-sa-Lahat. 14  Gaano pa kaya kung nagrereklamo kang hindi ka niya pinapansin!+ Naiharap na sa kaniya ang kaso mo, kaya dapat mo siyang hintayin.+ 15  Dahil hindi nagalit ang Diyos, at hindi ka niya pinarusahan;Masyado kang naging padalos-dalos, pero hindi niya iyon binigyang-pansin.+ 16  Walang saysay ang lumalabas sa bibig ni Job;Salita siya nang salita pero hindi niya naiintindihan ang sinasabi niya.”+

Talababa

Malamang na tumutukoy sa Diyos.
Lit., “bisig.”
O “ang isang kasinungalingan.”