Job 39:1-30

  • Ginamit ang pagkalalang sa mga hayop para ipakitang walang alam ang tao (1-30)

    • Kambing-bundok at usa (1-4)

    • Mailap na asno (5-8)

    • Torong-gubat (9-12)

    • Avestruz (13-18)

    • Kabayo (19-25)

    • Halkon at agila (26-30)

39  “Alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing-bundok?+ Nakita mo na bang isinisilang ng usa ang anak nito?+  2  Binibilang mo ba kung ilang buwan sa sinapupunan ang anak nila? Alam mo ba kung kailan sila nanganganak?  3  Lumuluhod sila kapag isinisilang ang mga anak nila,At nawawala ang nararamdaman nilang kirot.  4  Lumalakas ang mga anak nila at lumalaki sa parang;Umaalis ang mga ito at hindi na bumabalik sa kanila.  5  Sino ang nagpalaya sa mailap na asno,+At sino ang nagkalag ng mga tali nito?  6  Ginawa kong tahanan nito ang tigang na kapatagan,At ginawa kong tirahan nito ang lupain ng asin.  7  Hinahamak nito ang kaguluhan sa bayan;Hindi nito naririnig ang mga sigaw ng nagpapatrabaho sa mga hayop.  8  Gumagala ito sa mga burol at naghahanap ng damuhan;Hinahanap nito ang bawat berdeng halaman.  9  Gugustuhin ba ng torong-gubat na maglingkod sa iyo?+ Magpapalipas ba ito ng gabi sa iyong kuwadra?* 10  Tatalian mo ba ng lubid ang torong-gubat para igawa ka ng mga tudling,*O susunod ba ito sa iyo at mag-aararo sa lambak? 11  Magtitiwala ka ba rito dahil napakalakas nitoAt ipagagawa rito ang mabigat na trabaho mo? 12  Iaasa mo ba rito ang pagdadala ng iyong ani,*At titipunin ba nito ang mga iyon sa giikan mo? 13  Masayang ipinapagaspas ng avestruz* ang mga pakpak niya,Pero ang mga bagwis at balahibo niya ay walang sinabi sa siguana.*+ 14  Iniiwan niya sa lupa ang kaniyang mga itlogAt pinananatiling mainit sa alabok. 15  Hindi niya naiisip na baka madurog ang mga iyon ng mga taong naglalakadO baka matapakan ng mabangis na hayop. 16  Wala siyang malasakit sa mga anak niya, na para bang hindi sa kaniya ang mga ito;+Hindi siya nanghihinayang na mabale-wala ang paghihirap niya. 17  Dahil pinagkaitan siya ng Diyos ng* karununganAt hindi siya binigyan ng unawa. 18  Pero kapag ipinagaspas niya ang mga pakpak niya at tumakbo siya,Pinagtatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito. 19  Ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo?+ Nilagyan mo ba ito ng malagong buhok? 20  Mapalulukso mo ba ito na gaya ng balang? Nakakatakot ang malakas na pagsinghal nito.+ 21  Pumapadyak ito sa lambak at dumadamba;+Sumusugod ito sa digmaan.*+ 22  Pinagtatawanan nito ang pagkasindak, at wala itong kinatatakutan.+ Hindi ito umaatras sa espada. 23  Nag-iingay* ang lalagyan ng palaso kapag tumatama ito sa kabayo,At kumikinang ang sibat at diyabelin.* 24  Hindi ito mapakali dahil sa pananabik, kaya sumusugod na ito;*Hindi na ito mapigilan* kapag narinig nito ang tambuli. 25  Kapag humihip ang tambuli, sinasabi nito, ‘Aha!’ Naaamoy nito ang labanan mula sa malayoAt naririnig ang hiyaw ng mga kumandante at sigaw ng pakikipagdigma.+ 26  Dahil ba sa iyong unawa kaya nakalilipad ang halkon*At iniuunat nito ang mga pakpak nito papuntang timog? 27  O dahil ba sa utos mo kaya lumilipad paitaas ang agila+At gumagawa ng pugad sa mataas na lugar,+ 28  Nagpapalipas ng gabi sa isang dalisdis,At nanganganlong sa malaking bato?* 29  Mula roon ay naghahanap ito ng pagkain;+Nakatingin sa malayo ang mga mata nito. 30  Sumisipsip ng dugo ang mga inakáy nito;At kung nasaan ang bangkay, naroon ito.”+

Talababa

O “sabsaban.”
Makitid na hukay sa inararong lupa.
Lit., “binhi.”
Sa Ingles, stork.
Sa Ingles, ostrich.
Lit., “Dahil ipinalimot ng Diyos sa kaniya ang.”
Lit., “baluti.”
O “Kumakalansing.”
Maikling sibat.
Lit., “kaya nilalamon nito ang lupa.”
O posibleng “Hindi ito naniniwala.”
Sa Ingles, falcon.
Lit., “sa ngipin ng malaking bato?”