Job 41:1-34

  • Inilarawan ng Diyos ang kahanga-hangang Leviatan (1-34)

41  “Mahuhuli mo ba ang Leviatan*+ gamit ang kawil,O mapipigilan mo ba ng lubid ang dila niya?  2  Makapagsusuot ka ba ng lubid* sa mga butas ng ilong niya,O malalagyan mo ba ng kawit* ang mga panga niya?  3  Paulit-ulit ba siyang makikiusap sa iyo,O malumanay ka ba niyang kakausapin?  4  Makikipagtipan ba siya sa iyoPara maging alipin mo habambuhay?  5  Lalaruin mo ba siyang gaya ng ibon,O tatalian mo ba siya para sa maliliit mong anak na babae?  6  Makikipagtawaran ba ang mga mangangalakal para sa kaniya? Hahati-hatiin ba nila siya sa mga negosyante?  7  Pauulanan mo ba ng salapáng*+ ang balat niyaO ng sibat na pangisda ang ulo niya?  8  Subukan mong hawakan siya;Matatanim sa isip mo ang labanan at hindi mo na iyon uulitin!  9  Wala kang pag-asang manalo sa kaniya. Makita mo pa lang siya, matatakot* ka na. 10  Walang nangangahas na galitin siya. Kaya sino ang makatatayo sa harap ko?+ 11  Mayroon bang mas naunang magbigay sa akin at dapat kong bayaran iyon sa kaniya?+ Akin ang lahat ng nasa ibabaw ng lupa.*+ 12  Magsasalita ako tungkol sa mga binti niya,Tungkol sa lakas niya at katawan na maganda ang pagkakahubog. 13  Sino ang nakapag-alis ng makapal na balat niya? Sino ang papasok sa mga panga niya? 14  Sino ang makapagbubukas ng bibig* niya? Nakakatakot ang mga ngipin niya. 15  Ang likod niya ay may mga kaliskis*Na masinsin ang pagkakahanay-hanay. 16  Sa sobrang sinsin nito,Kahit hangin ay hindi makakapasok sa pagitan ng mga kaliskis. 17  Magkakadikit ang mga ito,Kabit-kabit at hindi mapaghihiwalay. 18  Kapag bumabahing siya, may kumikislap na ilaw,At ang mga mata niya ay gaya ng liwanag ng bukang-liwayway. 19  May lumalabas na kidlat sa bibig niyaAt mga tilamsik ng apoy. 20  Umuusok ang mga butas ng ilong niya,Gaya ng hurno na pinagniningas ng mga damo. 21  Nagliliyab ang uling dahil sa hininga niya,At may lumalabas na apoy sa bibig niya. 22  Napakalakas ng leeg niya,At takot na takot ang nakakaharap niya. 23  Matibay ang mga suson ng balat niya;Para itong tinunaw na metal sa kaniyang tiyan na hindi matatanggal. 24  Ang puso niya ay kasintigas ng bato,Oo, kasintigas ng pang-ilalim na bato ng gilingan. 25  Kapag tumatayo siya, kahit ang malalakas ay natatakot;Kapag nagwala ito, natitigilan sila. 26  Hindi siya tatablan ng espada,Kahit ng sibat, palaso, o iba pang sandata.+ 27  Parang dayami lang sa kaniya ang bakalAt bulok na kahoy ang tanso. 28  Hindi siya naitataboy ng pana;Ang mga batong panghilagpos ay gaya lang ng pinaggapasan sa kaniya. 29  Parang pinaggapasan lang sa kaniya ang pamalo,At pinagtatawanan niya ang pagkalampag ng diyabelin.* 30  Ang tiyan niya ay parang may matatalas na piraso ng palayok;Parang dinaanan ng panggiik na kareta+ ang bakas na iniiwan niya sa putikan. 31  Pinakukulo niya ang kalaliman na parang nasa lutuan;Pinabubula niya ang katubigan na gaya ng kumukulong pabango. 32  May naiiwang kislap sa dinadaanan niya, Na para bang ang katubigan ay may puting buhok. 33  Wala siyang katulad sa lupa,Sadyang nilalang* na walang kinatatakutan. 34  Tinitingnan niya nang masama ang lahat ng nagmamataas. Siya ang hari ng lahat ng kakila-kilabot na mababangis na hayop.”

Talababa

Posibleng buwaya.
Lit., “hungko.”
Lit., “tinik.”
Parang sibat na may mga pangawit.
O “babagsak.”
Lit., “nasa silong ng langit.”
Lit., “ng mga pinto ng mukha.”
O posibleng “Ang mga kaliskis niya ang ipinagyayabang niya.”
Maikling sibat.
O “nilikha.”