Job 7:1-21
7 “Hindi ba ang buhay ng taong mortal sa lupa ay gaya ng sapilitang pagtatrabaho,At ang mga araw niya ay gaya ng sa upahang trabahador?+
2 Gaya ng alipin, gustong-gusto niya ng lilim,At gaya ng upahang trabahador, hinihintay niya ang suweldo niya.+
3 Kaya sa loob ng maraming buwan ay naging walang kabuluhan ang buhay ko,At maraming gabi na akong nagdurusa.+
4 Itinatanong ko kapag humihiga ako, ‘Kailan ako babangon?’+
Pero napakahaba ng gabi at hindi ako nakakatulog* hanggang sa magbukang-liwayway.
5 Ang laman ko ay nababalot ng uod at dumi;+Ang balat ko ay punô ng langib at nana.+
6 Ang paglipas ng mga araw ko ay mas mabilis pa sa pag-ikot ng panghabi,+At nagwawakas ang mga iyon sa kawalang-pag-asa.+
7 Alalahanin mong ang buhay ko ay maikli,*+Na hindi na muling makakakita ng kaligayahan* ang mata ko.
8 Hindi na ako muling makikita ng matang nakakakita sa akin ngayon;Hahanapin ako ng mga mata mo, pero wala na ako.+
9 Gaya ng ulap na unti-unting naglalaho at tuluyang nawawala,Ang napupunta sa Libingan* ay hindi na bumabalik.+
10 Hindi na siya babalik pa sa bahay niya,At hindi na siya kikilalanin sa lugar niya.+
11 Kaya hindi ko pipigilan ang bibig ko.
Magsasalita ako dahil sa sakit na nadarama ng puso* ko;Daraing ako dahil sa paghihirap ng kalooban ko!+
12 Ako ba ang dagat o isa ba akong malaking hayop sa dagatKaya kailangan mo pa akong pabantayan?
13 Nang sabihin ko, ‘Aaliwin ako ng higaan ko;Maiibsan ng kama ko ang pagdurusa ko,’
14 Sinindak mo naman ako ng mga panaginipAt tinakot ng mga pangitain,
15 Kaya pinili kong* huwag nang makahinga,Oo, pinili ko ang kamatayan kaysa sa katawan kong ito.*+
16 Kinamumuhian ko ang buhay ko;+ ayoko nang mabuhay pa.
Iwan mo na ako, dahil gaya lang ng hininga ang mga araw ko.+
17 Ano ba ang taong mortal para pansinin mo pa siyaAt ituon sa kaniya ang iyong atensiyon?*+
18 Bakit mo siya iniinspeksiyon tuwing umagaAt sinusubok bawat sandali?+
19 Puwede mo bang alisin ang tingin mo sa akinAt pabayaan ako para malunok ko man lang ang laway ko?+
20 Kung nagkasala ako, ano ba ang epekto nito sa iyo, ang Tagapagmasid ng sangkatauhan?+
Bakit mo ako pinupuntirya?
Naging pabigat ba ako sa iyo?
21 Bakit hindi mo pinatatawad ang kasalanan koAt pinalalampas ang pagkakamali ko?
Dahil malapit na akong humiga sa alabok,+At hahanapin mo ako, pero wala na ako.”
Talababa
^ O “at pabiling-biling ako.”
^ O “hangin.”
^ Lit., “kabutihan.”
^ Lit., “espiritu.”
^ Lit., “kaysa sa mga buto ko.”
^ Lit., “puso.”