Job 9:1-35
9 Sumagot si Job:
2 “Alam kong tama ang sinabi mo.
Pero paano magiging tama ang isang taong mortal kung ang Diyos ang kalaban niya sa usapin?+
3 Kung may gustong makipagtalo sa Kaniya,*+Hindi nito masasagot kahit isa sa sanlibong tanong Niya.
4 Marunong siya* at makapangyarihan.+
Sino ang makalalaban sa kaniya nang hindi nasasaktan?+
5 Naililipat* niya ang mga bundok nang hindi namamalayan ng sinuman;Ibinabaligtad niya ang mga ito dahil sa kaniyang galit.
6 Pinayayanig niya ang lupa,Kaya nauuga ang mga haligi nito.+
7 Inuutusan niya ang araw na huwag sumikatAt tinatakpan ang liwanag ng mga bituin;+
8 Mag-isa niyang inilalatag ang langit,+At tinutuntungan niya ang matataas na alon sa dagat.+
9 Ginawa niya ang mga konstelasyon ng Ash,* Kesil,* at Kima,*+At ang mga konstelasyon ng kalangitan* sa timog;
10 Gumagawa siya ng dakila at di-masaliksik na mga bagay,+Kamangha-manghang mga bagay na hindi mabilang.+
11 Dumadaan siya sa tabi ko, pero hindi ko siya nakikita;Nilalampasan niya ako, pero hindi ko siya napapansin.
12 Kapag nang-agaw siya, sino ang makapipigil sa kaniya?
Sino ang magsasabi sa kaniya, ‘Ano ang ginagawa mo?’+
13 Hindi pipigilan ng Diyos ang galit niya;+Kahit ang mga katulong ni Rahab*+ ay yuyukod sa kaniya.
14 Kaya kung sasagot ako sa kaniya,Dapat kong piliing mabuti ang mga salita ko sa pakikipagtalo sa kaniya!
15 Kahit ako ang tama, hindi ko siya sasagutin.+
Ang magagawa ko lang ay magmakaawa sa aking hukom.*
16 Kung hihingi ako ng tulong sa kaniya, sasagot ba siya?
Hindi ako naniniwalang makikinig siya,
17 Dahil binabayo niya ako ng bagyoAt pinararami ang sugat ko nang walang dahilan.+
18 Hindi niya ako hinahayaang mahabol ang hininga* ko;Patuloy niya akong binibigyan ng problema.
19 Kung tungkol sa kapangyarihan, siya ang pinakamalakas.+
Kung may usapin sa katarungan, sinasabi niya: ‘Sino ang makapagsasabing mali ako?’*
20 Kahit ako ang tama, hahatulan ako ng sarili kong bibig;Kahit nananatili akong tapat,* ipahahayag niya akong may-sala.*
21 Kahit nananatili akong tapat,* hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa akin;Namumuhi ako sa* buhay ko.
22 Wala namang pinag-iba. Kaya nga sinasabi ko,‘Pareho niyang pinupuksa ang walang-sala* at masama.’
23 Kung biglang rumagasa ang baha at may mamatay,Matutuwa siya sa sinapit ng mga walang-sala.
24 Ang lupa ay ibinigay sa masasama;+Tinatakpan niya ang mata* ng mga hukom nito.
Sino pa ba ang gagawa nito kundi siya?
25 Ang mga araw ko ay mas mabilis pa sa mananakbo;+Lumilipas ang mga ito nang wala man lang nangyayaring mabuti.
26 Dumadaan ang mga iyon na gaya ng mga bangkang tambo,Gaya ng agilang nandaragit ng biktima nito.
27 Kung sasabihin ko, ‘Kalilimutan ko ang hinaing ko,Ngingiti na ako at babaguhin ang ekspresyon ng mukha ko,’
28 Matatakot pa rin ako dahil sa lahat ng hirap na dinaranas ko,+At alam kong hindi mo ako ituturing na walang-sala.
29 Ituturing pa rin akong may-sala.*
Kaya bakit pa ako magpapakahirap?+
30 Kung maligo ako sa tubig ng natunaw na niyebe,At sabunin ko* ang mga kamay ko,+
31 Ilulubog mo naman ako sa isang hukay,Kaya kahit ang mga damit ko ay masusuklam sa akin.
32 Dahil hindi siya taong tulad ko na puwede kong sagutinO makaharap sa korte.+
33 Walang sinuman na puwedeng mamagitan sa amin,*Na puwedeng maging hukom namin.*
34 Kung titigil lang siya sa pananakit sa akin*At hindi na niya ako sisindakin ng nakakatakot na mga bagay,+
35 Makikipag-usap ako sa kaniya nang hindi natatakot,Dahil noon naman ay hindi ako takot makipag-usap sa kaniya.
Talababa
^ O “gustong makaharap Siya sa korte.”
^ Lit., “Mayroon siyang pusong marunong.”
^ O “Inaalis.”
^ Posibleng ang konstelasyong Great Bear (Ursa Major).
^ Lit., “At ang mga loobang silid.”
^ Posibleng ang mga bituin ng Pleiades sa konstelasyong Taurus.
^ Posibleng ang konstelasyong Orion.
^ Posibleng isang napakalaking hayop sa dagat.
^ O posibleng “sa kalaban ko sa batas.”
^ Lit., “ang magpapatawag sa akin?”
^ O “Kahit na wala akong sala.”
^ Lit., “buktot.”
^ O “Kahit na wala akong sala.”
^ O “Itinatakwil ko ang; Ayoko sa.”
^ O “ang nananatiling tapat.”
^ Lit., “mukha.”
^ Lit., “masama.”
^ O “gamitan ko ng abong panlinis.”
^ O “magpasiya sa pagitan namin.”
^ Lit., “Na puwedeng magpatong ng kamay sa aming dalawa.”
^ Lit., “Kung aalisin niya sa akin ang pamalo niya.”