Joel 1:1-20

  • Mapaminsalang pagsalakay ng mga insekto (1-14)

  • “Malapit na ang araw ni Jehova” (15-20)

    • Tumawag kay Jehova ang propeta (19, 20)

1  Ito ang salita ni Jehova na dumating kay Joel* na anak ni Petuel:  2  “Makinig kayo, matatandang lalaki,At magbigay-pansin kayo, kayong lahat na naninirahan sa lupain.* May nangyari na bang katulad nito sa panahon ninyoO ng mga ninuno ninyo?+  3  Sabihin ninyo ito sa inyong mga anak,At ilalahad ito ng mga anak ninyo sa mga anak nila,At sasabihin naman ito ng mga anak nila sa susunod na henerasyon.  4  Ang natira ng nanlalamon na balang ay kinain ng balang na nagkukulumpon;+Ang natira ng balang na nagkukulumpon ay kinain ng balang na walang pakpak;At ang natira ng balang na walang pakpak ay kinain ng matakaw na balang.+  5  Gumising kayo at umiyak, mga lasenggo!+ Humagulgol kayo, kayong lahat na manginginom ng alak,Dahil inilayo sa bibig ninyo ang matamis na alak.+  6  Dahil sinalakay ang lupain ko ng isang bansang makapangyarihan at napakalaki.*+ Ngipin ng leon ang mga ngipin nito,+ at ang mga panga nito ay gaya ng sa leon.  7  Sinira nito ang punong ubas ko at tuod lang ang itinira sa aking puno ng igos.Binalatan nito nang buo ang mga iyon at itinapon,Kaya walang natirang balat kahit sa maliliit na sanga.  8  Humagulgol ka, gaya ng paghagulgol ng dalagang nakasuot ng telang-sakoDahil sa pagkawala ng mapapangasawa* niya.  9  Wala nang handog na mga butil+ at handog na inumin+ sa bahay ni Jehova;Nagdadalamhati ang mga saserdote, ang mga lingkod ni Jehova. 10  Nasalanta ang bukid, at nagdadalamhati ang lupa;+Dahil wala nang butil, natuyo ang bagong alak, at naubos ang langis.+ 11  Nadismaya ang mga magsasaka, at humahagulgol ang mga tagapag-alaga ng ubasan,Dahil sa trigo at sa sebada;Dahil wala nang aanihin sa bukid. 12  Natuyo ang punong ubas,At nalanta ang puno ng igos. Ang granada,* palma, at mansanas—Lahat ng puno sa parang ay natuyo;+Ang pagsasaya ng mga tao ay napalitan ng kahihiyan. 13  Magsuot kayo ng telang-sako* at magdalamhati,* kayong mga saserdote;Humagulgol kayo, kayong mga naglilingkod sa harap ng altar.+ Pumasok kayo at magpalipas ng gabi na nakasuot ng telang-sako, kayong mga lingkod ng aking Diyos;Dahil wala nang nagdadala ng handog na mga butil+ at ng handog na inumin+ sa bahay ng inyong Diyos. 14  Magdeklara kayo ng* pag-aayuno; ianunsiyo ninyo na may banal na pagtitipon.+ Tipunin ninyo ang matatandang lalaki at ang lahat ng naninirahan sa lupain,Sa bahay ng Diyos ninyong si Jehova,+ at humingi kayo ng tulong kay Jehova. 15  Nakakatakot ang araw na iyon! Malapit na ang araw ni Jehova;+At pagdating nito, kikilos ang Makapangyarihan-sa-Lahat para pumuksa! 16  Hindi ba kitang-kita nating inilayo sa atin ang pagkain,At hindi ba nawala na rin ang pagsasaya at kagalakan sa bahay ng ating Diyos? 17  Nanguluntoy ang mga binhi* sa ilalim ng mga pala nila. Wala nang laman ang mga imbakan. Tuyot na ang mga butil, kaya giniba na ang mga imbakan nito. 18  Dumaraing kahit ang mga alagang hayop! Hindi alam ng mga kawan ng baka kung saan sila pupunta, dahil wala silang pastulan! At nagdurusa ang mga kawan ng tupa. 19  Tatawag ako sa iyo, O Jehova;+Dahil nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilangAt tinupok ang lahat ng puno sa parang. 20  Hinahanap ka kahit ng maiilap na hayop sa parang,Dahil natuyo na ang mga daluyan ng tubigAt nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilang.”

Talababa

Ibig sabihin, “Si Jehova ang Diyos.”
O “lupa.”
O “di-mabilang sa dami.”
O “asawa.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “Bigkisan ninyo ang inyong sarili.”
O “at suntukin ninyo ang dibdib ninyo.”
O “Maglaan kayo ng panahon sa.”
O posibleng “pinatuyong igos.”