Josue 16:1-10

  • Mana ng mga inapo ni Jose (1-4)

  • Mana ni Efraim (5-10)

16  At ang lupaing napunta sa mga inapo ni Jose+ sa pamamagitan ng palabunutan*+ ay mula sa Jordan sa Jerico hanggang sa bukal sa silangan ng Jerico, at tatawid ng ilang sa tapat ng Jerico papunta sa mabundok na rehiyon ng Bethel.+  At mula sa Bethel na malapit sa Luz, nagpatuloy ito sa Atarot, na hangganan ng mga Arkita,  at ito ay nagpatuloy pababa sa kanluran sa hangganan ng mga Japleteo hanggang sa hangganan ng Mababang Bet-horon+ at ng Gezer,+ at ang dulo nito ay sa dagat.  Kaya kinuha ng tribo ni Manases at ng tribo ni Efraim, mga inapo ni Jose,+ ang kanilang lupain.+  Ito ang hangganan ng mga pamilya sa tribo ni Efraim: Ang hangganan ng kanilang mana sa silangan ay ang Atarot-addar,+ hanggang sa Mataas na Bet-horon,+  at hanggang sa dagat. Ang Micmetat+ ay nasa hilaga, at ang hangganan ay umikot pasilangan sa Taanat-shilo, at tumawid pasilangan sa Janoa.  At mula sa Janoa, bumaba ito papuntang Atarot at Naara hanggang sa Jerico+ at umabot sa Jordan.  Mula sa Tapua,+ ang hangganan ay nagpatuloy pakanluran sa Wadi ng Kana, at ang dulo nito ay sa dagat.+ Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Efraim;  ang mga inapo ni Efraim ay nagkaroon din ng mga lunsod sa loob ng minanang lupain ni Manases,+ ang lahat ng lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 10  Pero hindi nila itinaboy ang mga Canaanita na nakatira sa Gezer,+ kaya ang mga Canaanita ay naninirahang kasama ng tribo ni Efraim hanggang sa araw na ito,+ at ang mga ito ay puwersahang pinagtrabaho.+

Talababa

O “ang lupaing ibinigay sa mga inapo ni Jose.”