Mga Kawikaan 1:1-33

  • Kung para saan ang mga kawikaan (1-7)

  • Panganib ng pagsama sa masasama (8-19)

  • Ang tunay na karunungan ay sumisigaw sa lansangan (20-33)

1  Ang mga kawikaan ni Solomon+ na anak ni David,+ na hari ng Israel:+  2  Para magkaroon ng karunungan+ at disiplina;Para maunawaan ang mga kasabihang nagpaparunong;  3  Para tumanggap ng pagsasanay*+ na nagbibigay ng kaunawaanAt nagtuturo ng katuwiran,*+ katarungan,*+ at paninindigan sa tama;*  4  Para magbigay ng talino+ sa walang karanasan;Para magbigay sa kabataan ng kaalaman at kakayahang mag-isip.+  5  Ang taong marunong ay nakikinig at kumukuha ng higit pang instruksiyon;+Ang taong may unawa ay tumatanggap ng mahusay na patnubay+  6  Para maintindihan ang isang kawikaan at malalim na kasabihan,*Ang mga salita ng marurunong at ang kanilang mga bugtong.+  7  Ang pagkatakot* kay Jehova ang pasimula ng kaalaman.+ Mga mangmang lang ang humahamak sa disiplina at karunungan.+  8  Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama,+At huwag mong kalimutan ang tagubilin* ng iyong ina.+  9  Ang mga iyon ay magandang putong* sa iyong ulo+At magandang kuwintas sa iyong leeg.+ 10  Anak ko, kung hikayatin ka ng mga makasalanan, tanggihan mo sila.+ 11  Kung sabihin nila: “Sumama ka sa amin. Mag-abang tayo ng papatayin. Magtago tayo habang naghihintay ng mga mabibiktima para lang sa katuwaan. 12  Lamunin natin sila nang buháy gaya ng ginagawa ng Libingan,*Nang buo, tulad ng mga bumababa sa hukay. 13  Kunin natin ang lahat ng kayamanan nila;Punuin natin ng mga nakaw ang ating bahay. 14  Sumama ka sa amin,*At paghati-hatian natin ang mananakaw natin.”* 15  Anak ko, huwag kang sumama sa kanila. Huwag kang lumakad* sa landas nila,+ 16  Dahil tumatakbo sila* para gumawa ng masama;Nagmamadali silang pumatay.+ 17  Walang saysay ang paghahagis ng lambat kung kitang-kita ito ng ibon. 18  Kaya palihim silang nag-aabang ng mga mabibiktima;Nagtatago sila para patayin ang mga ito. 19  Ganiyan ang ginagawa ng mga nandaraya para sa pakinabang,At iyon ang papatay sa kanila.+ 20  Ang tunay na karunungan+ ay sumisigaw sa lansangan.+ Inilalakas nito ang kaniyang tinig sa mga liwasan.*+ 21  Sa kanto ng mataong mga lansangan ay nananawagan ito. Sa mga pasukan ng lunsod ay sinasabi nito:+ 22  “Kayong mga walang karanasan, hanggang kailan ninyo gustong manatiling walang karanasan? Kayong mga manunuya, hanggang kailan kayo masisiyahan sa panunuya? At kayong mga mangmang, hanggang kailan ninyo aayawan ang kaalaman?+ 23  Makinig kayo sa pagsaway ko,*+ At ibubuhos ko sa inyo ang aking espiritu;*Ipaaalam ko sa inyo ang aking mga salita.+ 24  Dahil tumatawag ako pero lagi kayong tumatanggi,Iniuunat ko ang aking kamay pero walang nagbibigay-pansin,+ 25  Binabale-wala ninyo ang lahat ng payo koAt tinatanggihan ang aking saway, 26  Kaya pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo;Tutuyain ko kayo kapag dumating ang kinatatakutan ninyo,+ 27  Kapag ang kinatatakutan ninyo ay dumating na gaya ng bagyo,At ang kapahamakan ninyo na gaya ng hangin ng bagyo,Kapag dumating sa inyo ang paghihirap at problema. 28  Sa panahong iyon ay paulit-ulit nila akong tatawagin, pero hindi ako sasagot;Patuloy nila akong hahanapin, pero hindi nila ako makikita,+ 29  Dahil kinamuhian nila ang kaalaman,+At hindi nila pinili ang pagkatakot kay Jehova.+ 30  Tinanggihan nila ang aking payo;Binale-wala nila ang lahat ng aking saway. 31  Kaya aanihin* nila ang bunga ng mga ginagawa nila,+At mapapahamak* sila sa sarili nilang mga payo.* 32  Dahil katigasan ng ulo ang papatay sa mga walang karanasan,At pagwawalang-bahala ang pupuksa sa mga mangmang. 33  Pero ang nakikinig sa akin ay mamumuhay nang panatag+At hindi matatakot sa anumang kapahamakan.”+

Talababa

Lit., “disiplina.”
Tingnan sa Glosari.
O “kakayahang magpasiya.”
O “pagiging patas.”
O “at talinghaga.”
O “matinding paggalang.”
O “kautusan.”
Palamuting ipinapatong sa ulo.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “At magkaroon tayo ng iisang supot.”
O “Makipagsapalaran ka kasama namin.”
O “tumapak.”
Lit., “ang mga paa nila.”
O “plaza.”
O “ang kapangyarihan ng aking karunungan.”
O “Manumbalik kayo dahil sa aking saway.”
Lit., “kakainin.”
O “mabubundat.”
O “pakana; plano.”