Mga Kawikaan 10:1-32
10 Mga kawikaan ni Solomon.+
Ang marunong na anak ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+Pero ang mangmang na anak ay nagpapahirap sa kaniyang ina.
2 Walang silbi ang kayamanang nakuha sa masamang paraan,Pero katuwiran* ang nagliligtas mula sa kamatayan.+
3 Hindi hahayaan ni Jehova na magutom ang mga matuwid,+Pero ipagkakait niya sa masasama ang mga gusto nila.
4 Kahirapan ang dulot ng kamay na tamad,+Pero yaman ang dala ng kamay na masipag.+
5 Ang anak na may kaunawaan ay nagtitipon ng ani sa tag-araw,Pero ang anak na kahiya-hiya ay natutulog nang mahimbing sa panahon ng pag-aani.+
6 Mga pagpapala ang nasa ulo ng matuwid,+Pero itinatago ng bibig ng masama ang karahasan.
7 Ang reputasyon ng* matuwid ay magdudulot ng pagpapala,+Pero ang pangalan ng masama ay mabubulok.+
8 Ang marunong* ay tatanggap ng tagubilin,*+Pero ang nagsasalita nang may kamangmangan ay aapak-apakan.+
9 Ang mga lumalakad nang tapat ay panatag,+Pero ang mga liko ang daan ay malalantad.+
10 Ang kumikindat para manlinlang ay magdudulot ng kirot,+At ang nagsasalita nang may kamangmangan ay aapak-apakan.+
11 Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay,+Pero itinatago ng bibig ng masama ang karahasan.+
12 Poot ang pinagmumulan ng mga pagtatalo,Pero pag-ibig ang nagtatakip sa lahat ng kasalanan.+
13 Karunungan ang nasa mga labi ng may kaunawaan,+Pero ang pamalo ay para sa kulang sa unawa.*+
14 Ang marunong ay nagpapahalaga* sa kaalaman,+Pero ang bibig ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan.+
15 Ang kayamanan* ng mayaman ang proteksiyon* niya.
Kahirapan ang nagpapahamak sa dukha.+
16 Ang ginagawa ng matuwid ay umaakay sa buhay,Pero ang bunga ng masama ay umaakay sa kasalanan.+
17 Ang nakikinig sa disiplina ay umaakay sa mga tao sa daan ng buhay,*Pero ang nagwawalang-bahala sa saway ay nagiging dahilan para maligaw ang iba.
18 Ang taong may itinatagong poot ay nagsisinungaling,+At ang nagkakalat ng paninira* ay mangmang.
19 Kapag maraming sinasabi, hindi maiiwasang magkamali,+Pero ang nagpipigil ng kaniyang dila* ay matalino.+
20 Gaya ng pinakamagandang klase ng pilak ang dila ng matuwid,+Pero maliit ang halaga ng puso ng masama.
21 Ang salita ng matuwid ay nagpapalusog* sa marami,+Pero ang mangmang ay namamatay dahil sa kakulangan ng unawa.+
22 Ang pagpapala ni Jehova ang nagpapayaman,+At hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.*
23 Para sa mangmang, ang paggawi nang kahiya-hiya ay parang laro lang,Pero ang karunungan ay taglay ng taong may kaunawaan.+
24 Ang kinatatakutan ng masama ay mangyayari sa kaniya,Pero ang ninanais ng matuwid ay ipagkakaloob sa kaniya.+
25 Pagdaan ng bagyo, mawawala na ang masama,+Pero ang matuwid ay gaya ng pundasyon na hindi magigiba kailanman.+
26 Gaya ng sukà sa mga ngipin at usok sa mga mata,Ganiyan ang taong tamad para sa amo niya.*
27 Ang pagkatakot kay Jehova ay nagpapahaba ng buhay,+Pero ang mga taon ng masasama ay paiikliin.+
28 Ang inaasam* ng mga matuwid ay nagpapasaya sa kanila,+Pero ang pag-asa ng masasama ay maglalaho.+
29 Ang daan ni Jehova ay kanlungan para sa walang kapintasan,+Pero kapahamakan ito para sa mga gumagawa ng masama.+
30 Ang matuwid ay hindi kailanman babagsak,+Pero ang masama ay hindi na maninirahan sa lupa.+
31 Ang bibig ng matuwid ay pinagmumulan* ng karunungan,Pero ang di-tapat na* dila ay puputulin.
32 Alam ng mga labi ng matuwid kung ano ang kanais-nais,Pero ang bibig ng masama ay di-tapat.*
Talababa
^ O “alaala tungkol sa.”
^ O “may marunong na puso.”
^ Lit., “mga utos.”
^ Lit., “kapos ang puso.”
^ O “nag-iingat.”
^ O “ang napapaderang lunsod.”
^ O “Ang mahalagang pag-aari.”
^ O posibleng “ay nasa daan ng buhay.”
^ O “tsismis.”
^ Lit., “mga labi.”
^ O “pumapatnubay.”
^ O “lungkot; problema.”
^ O “para sa nagsugo sa kaniya.”
^ O “pag-asa.”
^ O “nagbubunga.”
^ O “masamang.”
^ O “liko.”