Mga Kawikaan 11:1-31
11 Ang madayang timbangan ay kasuklam-suklam kay Jehova,Pero ang wastong panimbang* ay kalugod-lugod sa kaniya.+
2 Kapag may kapangahasan, susunod ang kahihiyan,+Pero ang karunungan ay nasa mga mapagpakumbaba.*+
3 Ang katapatan ng mga matuwid ang gumagabay sa kanila,+Pero ang katusuhan ng mga mapanlinlang ang sisira sa kanila.+
4 Ang yaman* ay walang silbi sa araw ng poot,+Pero ang pagiging matuwid ang magliligtas mula sa kamatayan.+
5 Ang pagiging matuwid ng taong walang kapintasan ay magtutuwid sa kaniyang landas,Pero ang masama ay matitisod dahil sa sarili niyang kasamaan.+
6 Ang pagiging matuwid ng mga tapat ay magliligtas sa kanila,+Pero ang mga mapanlinlang ay mabibitag ng sarili nilang pagnanasa.+
7 Kapag namatay ang masama, maglalaho ang pag-asa niya;At ang pagtitiwala niya sa sarili niyang lakas ay mawawalan din ng kabuluhan.+
8 Ang matuwid ay inililigtas mula sa kapahamakan,At ang masama ang pumapalit sa kaniya.+
9 Sa pamamagitan ng bibig, ipinapahamak ng apostata* ang kapuwa niya,Pero naililigtas ng kaalaman ang matuwid.+
10 Ang kabutihan ng mga matuwid ay nagpapasaya sa lunsod,At kapag namatay ang masasama, may maririnig na hiyaw ng kagalakan.+
11 Dahil sa pagpapala ng mga matuwid, nagiging dakila* ang isang lunsod;+Pero dahil sa bibig ng masasama, nagigiba ito.+
12 Ang kulang sa unawa* ay humahamak* sa kapuwa niya,Pero ang taong may malawak* na kaunawaan ay nananatiling tahimik.+
13 Ang maninirang-puri ay gumagala para magbunyag ng mga sekreto,+Pero ang mapagkakatiwalaan* ay marunong mag-ingat ng kompidensiyal na mga bagay.*
14 Kung walang mahusay na patnubay, ang bayan ay bumabagsak,Pero may tagumpay* kapag marami ang tagapayo.+
15 Ang gumagarantiya sa utang ng* estranghero ay siguradong mapapasamâ,+Pero ang hindi nakikipagkamay para sa isang kasunduan* ay panatag.
16 Ang babaeng may magandang-loob* ay umaani ng karangalan,+Pero ang malulupit* ay nang-aagaw ng yaman.
17 Kapag mabait* ang isang tao, siya mismo ang nakikinabang;+Pero kapag malupit ang isa, siya mismo ang napapahamak.*+
18 Walang halaga ang kabayarang nakukuha ng masama,+Pero tunay na gantimpala ang natatanggap ng naghahasik ng kabutihan.*+
19 Ang naninindigan sa tama ay nakahanay sa buhay,+Pero ang gumagawa ng masama ay patungo sa kamatayan.
20 Ang mga masama ang puso ay kasuklam-suklam kay Jehova,+Pero ang mga walang kapintasan ang lakad ay kalugod-lugod sa kaniya.+
21 Ang masama ay siguradong mapaparusahan,+Pero ang mga anak ng matuwid ay tiyak na makatatakas.
22 Ang magandang babae na hindi maingat sa pagdedesisyon*Ay gaya ng gintong singsing sa nguso ng baboy.
23 Ang hinahangad ng matuwid ay nagbubunga ng mabuti,+Pero ang inaasam ng masama ay umaakay sa poot.
24 Ang saganang nagbibigay ay lalong nagiging sagana,+Pero ang nagkakait ng dapat niyang ibigay ay naghihirap.+
25 Ang taong* bukas-palad ay sasagana,*+At ang nagpapaginhawa* sa iba ay magiginhawahan din.+
26 Susumpain ng bayan ang nagkakait ng butil,Pero pagpapalain nila ang nagbebenta nito.
27 Ang nagsisikap gumawa ng mabuti ay tatanggap ng kabutihan,*+Pero ang naghahanap ng kasamaan—ito mismo ang aanihin niya.+
28 Ang nagtitiwala sa yaman niya ay mabubuwal,+Pero ang matuwid ay lalago na gaya ng mga dahon.+
29 Ang nagdadala ng problema* sa sambahayan niya ay walang mamanahin,*+At ang mangmang ay magiging lingkod ng marunong.*
30 Ang bunga ng matuwid ay gaya ng punongkahoy ng buhay,+At ang nakahihikayat sa iba na gumawa ng mabuti ay marunong.+
31 Oo, kung ang matuwid sa lupa ay gagantihan,Lalo na ang masama at ang makasalanan!+
Talababa
^ O “ang hustong batong panimbang.”
^ O “mga kumikilala sa kanilang limitasyon.”
^ O “Ang mahahalagang pag-aari.”
^ O “di-makadiyos.”
^ O “kilala.”
^ Lit., “kapos ang puso.”
^ O “namumuhi.”
^ O “tunay.”
^ Lit., “may tapat na espiritu.”
^ Lit., “ay nagtatakip ng isang bagay.”
^ O “kaligtasan.”
^ O “Ang nananagot para sa.”
^ Lit., “ang napopoot sa pakikipagkamay.”
^ O “mga walang awa.”
^ O “babaeng kahali-halina.”
^ O “Kapag may tapat na pag-ibig.”
^ O “napapahiya.”
^ O “katuwiran.”
^ O “na kulang sa unawa.”
^ Lit., “saganang dumidilig.”
^ Lit., “patatabain.”
^ O “pagsang-ayon.”
^ O “kahihiyan.”
^ O “ay magmamana ng hangin.”
^ O “ng may pusong marunong.”