Mga Kawikaan 14:1-35
14 Ang babae na talagang marunong ay nagpapatibay sa bahay* niya,+Pero sinisira ito ng sariling mga kamay ng mangmang.
2 Ang lumalakad nang tapat ay natatakot kay Jehova,Pero ang taong liko ang landas* ay humahamak sa Kaniya.
3 Ang mayabang na pananalita ng mga mangmang ay gaya ng pamalo,Pero ang mga labi ng marurunong ay poprotekta sa kanila.
4 Kapag walang baka, malinis ang sabsaban,Pero nagiging sagana ang ani dahil sa lakas ng toro.
5 Ang tapat na testigo ay hindi magsisinungaling,Pero puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ng sinungaling na testigo.+
6 Ang mayabang* ay naghahanap ng karunungan pero walang matagpuan,Pero ang may unawa ay madaling makakuha ng kaalaman.+
7 Huwag kang lalapit sa mangmang,Dahil wala kang makukuhang kaalaman sa kaniyang mga labi.+
8 Dahil sa karunungan, nauunawaan ng matalino ang daang tinatahak niya,Pero ang mga mangmang ay nadadaya ng* sarili nilang kamangmangan.+
9 Pinagtatawanan lang ng mga mangmang ang pagkakasala,*+Pero ang mga matuwid ay handang makipagkasundo.*
10 Ang puso ang nakaaalam ng sarili nitong kirot,At hindi mauunawaan ng iba ang nararamdaman nitong saya.
11 Ang bahay ng masasama ay wawasakin,+Pero ang tolda ng mga matuwid ay magiging matatag.*
12 May daan na matuwid sa tingin ng isang tao,+Pero kamatayan ang dulo nito.+
13 Kahit tumatawa ang isa, maaaring may kirot sa puso niya,At ang pagsasaya ay puwedeng mauwi sa pamimighati.
14 Aanihin ng di-tapat* ang bunga ng landasin niya,+Pero tatanggap ng gantimpala ang mabuting tao dahil sa mga ginagawa niya.+
15 Pinaniniwalaan ng walang karanasan* ang lahat ng naririnig niya,Pero pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.+
16 Ang marunong ay maingat at lumalayo sa kasamaan,Pero ang mangmang ay padalos-dalos* at sobra ang tiwala sa sarili.
17 Ang madaling magalit ay gumagawi nang may kamangmangan,+Pero ang nag-iisip mabuti* ay kinapopootan.
18 Ang mga walang karanasan* ay magiging mangmang,Pero ang matatalino ay kinokoronahan ng kaalaman.+
19 Ang masasama ay yuyukod sa harap ng mabubuti;Ang masasama ay yuyukod sa mga pintuang-daan ng matuwid.
20 Ang dukha ay kinapopootan kahit ng malalapít sa kaniya,+Pero maraming kaibigan ang taong mayaman.+
21 Ang humahamak sa kapuwa niya ay nagkakasala,Pero maligaya ang nagmamalasakit sa mga dukha.+
22 Hindi ba mapapahamak ang mga nagpaplano ng masama?
Pero tapat na pag-ibig at katapatan ang tatanggapin ng mga nagsisikap gumawa ng mabuti.+
23 May pakinabang sa bawat pagsisikap,Pero ang puro salita ay nauuwi sa kakapusan.+
24 Ang korona ng marurunong ay ang kayamanan nila,Pero ang kamangmangan ng mga hangal ay umaakay sa higit pang kamangmangan.+
25 Ang tapat na testigo ay nagliligtas ng buhay,Pero ang mapanlinlang na testigo ay laging nagsisinungaling.
26 Malaki ang tiwala kay Jehova ng taong natatakot sa Kaniya,+Kaya magkakaroon ng kanlungan ang mga anak niya.+
27 Ang pagkatakot kay Jehova ay bukal ng buhay;Inilalayo nito ang tao sa mga bitag ng kamatayan.
28 Ang malaking populasyon ay karangalan ng hari,+Pero ang tagapamahalang walang sakop ay babagsak.
29 Ang taong hindi madaling magalit ay may malawak na kaunawaan,+Pero nagpapakita ng kamangmangan ang maikli ang pasensiya.+
30 Ang mahinahong puso ay nagbibigay-buhay* sa katawan,Pero ang inggit ay kabulukan sa mga buto.+
31 Ang nandaraya sa mahirap ay umiinsulto sa kaniyang Maylikha,+Pero ang nagmamalasakit sa dukha ay lumuluwalhati sa Kaniya.+
32 Ang masama ay ibabagsak ng sarili niyang kasamaan,Pero ang matuwid ay mapoprotektahan ng* kaniyang katapatan.+
33 Ang karunungan ay nananahimik sa puso ng taong may unawa,+Pero inihahayag ito ng mga mangmang.
34 Napararangalan ang isang bansa dahil sa katuwiran,*+Pero nagiging kahiya-hiya ang isang bayan dahil sa kasalanan.
35 Natutuwa ang hari sa lingkod na nagpapakita ng kaunawaan,+Pero galit siya sa lingkod na kumikilos nang kahiya-hiya.+
Talababa
^ O “pamilya.”
^ O “Pero ang mapanlinlang.”
^ O “manunuya.”
^ O posibleng “ay nandaraya gamit ang.”
^ O “pakikipag-ayos.”
^ O “Pero may pagkakasundo sa gitna ng mga matuwid.”
^ O “ay uunlad.”
^ O “may masamang puso.”
^ O “walang muwang.”
^ O “mapusok.”
^ O “ang taong may kakayahang mag-isip.”
^ O “walang muwang.”
^ O “nagpapalusog.”
^ O “ay makakahanap ng kanlungan dahil sa.”