Mga Kawikaan 19:1-29
19 Mas mabuti pang maging mahirap pero tapat+Kaysa maging mangmang at sinungaling.+
2 Hindi mabuti para sa isang tao na wala siyang alam,+At ang kumikilos nang padalos-dalos* ay nagkakasala.
3 Ang sariling kamangmangan ng tao ang nagliligaw sa kaniya,At ang puso niya ay nagagalit kay Jehova.
4 Ang kayamanan ay umaakit ng maraming kaibigan,Pero ang mahirap ay iniiwan kahit ng kaibigan niya.+
5 Tiyak na mapaparusahan ang sinungaling na testigo,+At hindi makatatakas ang laging nagsisinungaling.+
6 Marami ang naghahangad ng pabor ng prominenteng tao,*At ang lahat ay kaibigan ng taong nagreregalo.
7 Ang dukha ay kinapopootan ng lahat ng kapatid niya;+Lalo nang kaya siyang itakwil ng mga kaibigan niya!+
Lumalapit siya sa kanila at nakikiusap, pero walang sumasagot.
8 Ang nagsisikap magkaroon ng unawa* ay nagmamahal sa sarili niya.+
Ang nagpapahalaga sa kaunawaan ay magtatagumpay.*+
9 Tiyak na mapaparusahan ang sinungaling na testigo,At mamamatay ang laging nagsisinungaling.+
10 Hindi bagay sa isang mangmang na mamuhay nang marangya,At lalong hindi bagay sa isang lingkod na mamahala sa mga prinsipe!+
11 Ang kaunawaan ng tao ang pumipigil sa kaniya na magalit agad,+At nagiging kapuri-puri siya kapag pinalalampas niya ang pagkakamali.*+
12 Ang galit ng hari ay gaya ng pag-ungal ng leon,+Pero ang pagsang-ayon niya ay gaya ng hamog sa pananim.
13 Ang mangmang na anak ay nagbibigay ng problema sa kaniyang ama,+At ang asawang babae na mahilig makipagtalo* ay gaya ng bubong na laging tumutulo.+
14 Ang bahay at yaman ay mana mula sa mga ama,Pero ang marunong na asawang babae ay mula kay Jehova.+
15 Ang katamaran ay nauuwi sa malalim na tulog,At ang makupad ay magugutom.+
16 Ang sumusunod sa utos ay nag-iingat ng buhay niya;+Ang nagwawalang-bahala sa paraan ng pamumuhay niya ay mamamatay.+
17 Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova,+At babayaran* Niya siya dahil sa ginawa niya.+
18 Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa+Para hindi ka maging responsable sa* kamatayan niya.+
19 Ang mainitin ang ulo ay mananagot;Kung palulusutin mo siya, gagawin mo na ito nang paulit-ulit.+
20 Makinig ka sa payo at tumanggap ng disiplina+Para maging marunong ka pagdating ng araw.+
21 Maraming plano sa puso ng tao,Pero ang kalooban* ni Jehova ang mananaig.+
22 Nagiging kaakit-akit ang isang tao dahil sa tapat na pag-ibig niya;+At mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling.
23 Ang pagkatakot kay Jehova ay umaakay sa buhay;+Ang mayroon nito ay makapagpapahinga nang panatag at ligtas.+
24 Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,Pero hindi man lang niya ito maisubo sa bibig niya.+
25 Saktan mo ang manunuya+ para maging marunong ang walang karanasan,+At sawayin mo ang may unawa para madagdagan ang kaalaman niya.+
26 Ang anak na malupit sa kaniyang ama at nagtataboy sa kaniyang inaAy kahiya-hiya at kadusta-dusta.+
27 Anak ko, kung titigil ka sa pakikinig sa disiplina,Malilihis ka mula sa daan* ng kaalaman.
28 Ang walang-kuwentang testigo ay humahamak sa katarungan,+At ang bibig ng masasama ay lumalamon ng kasamaan.+
29 May naghihintay na hatol para sa mga manunuya+At mga hampas para sa likod ng mga mangmang.+
Talababa
^ Lit., “ang nagmamadali ang paa.”
^ O “ng bukas-palad.”
^ Lit., “ay makakakita ng mabuti.”
^ Lit., “Ang nagtatamo ng puso.”
^ O “pagsalansang; malaking kasalanan.”
^ O “asawang bungangera.”
^ O “gagantimpalaan.”
^ O “At huwag mong hangarin ang.”
^ O “layunin.”
^ Lit., “sa mga pananalita.”