Mga Kawikaan 23:1-35

  • Maging maingat kapag inimbita (2)

  • Huwag magpayaman (4)

  • Puwedeng lumipad palayo ang kayamanan (5)

  • Huwag makisama sa malakas uminom (20)

  • Nanunuklaw ang alak na gaya ng ahas (32)

23  Kapag kumakain kang kasama ng hari,Pag-isipan mong mabuti kung ano ang nasa harap mo;  2  Maglagay ka ng kutsilyo sa lalamunan mo*Kung malakas kang kumain.*  3  Huwag mong hangarin ang kaniyang masasarap na pagkainDahil mapanlinlang ang mga iyon.  4  Huwag kang magpakapagod para mag-ipon ng kayamanan.+ Tumigil ka at magpakita ng unawa.*  5  Kapag tiningnan mo iyon, wala na iyon doon,+Dahil tiyak na tutubuan iyon ng mga pakpak na gaya ng sa agila at lilipad sa langit.+  6  Huwag mong kainin ang pagkain ng kuripot;*Huwag mong hangarin ang kaniyang masasarap na pagkain  7  Dahil inililista niya iyon. “Kumain ka at uminom,” ang sabi niya sa iyo, pero hindi iyon bukal sa loob niya.*  8  Isusuka mo ang kinain mo,At masasayang lang ang mga papuri mo.  9  Huwag kang makikipag-usap sa mangmang,+Dahil hahamakin niya ang karunungan sa mga sinasabi mo.+ 10  Huwag kang mag-uusod ng sinaunang muhon*+O papasok nang walang paalam sa bukid ng mga walang ama. 11  Dahil malakas ang Tagapagtanggol* nila;Ipagtatanggol niya ang usapin nila laban sa iyo.+ 12  Ituon mo ang puso mo sa disiplinaAt ang tainga mo sa mga salita ng kaalaman. 13  Huwag mong ipagkait sa bata* ang disiplina.+ Hindi siya mamamatay dahil sa pamalo. 14  Dapat mo siyang disiplinahin ng pamaloPara mailigtas mo siya* at hindi mapunta sa Libingan.* 15  Anak ko, kung magiging marunong ka,*Magiging masaya ang puso ko.+ 16  Magsasaya ang puso* koKapag tama ang sinasabi ng mga labi mo. 17  Huwag mong hayaang mainggit ang puso mo sa mga makasalanan,+Kundi matakot ka kay Jehova buong araw;+ 18  Dahil diyan, magiging maganda ang kinabukasan mo+At hindi mawawala ang iyong pag-asa. 19  Makinig ka, anak ko, at maging marunong,At ituon mo ang puso mo sa tamang daan. 20  Huwag kang maging gaya ng* malalakas uminom ng alak,+Ng matatakaw sa karne,+ 21  Dahil ang lasenggo at matakaw ay maghihirap,+At ang pagkaantok nila ay magdaramit sa kanila ng basahan. 22  Makinig ka sa iyong ama na dahilan ng pagsilang mo,At huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lang sa matanda na siya.+ 23  Bilhin* mo ang katotohanan at huwag mong ibenta iyon,+Pati ang karunungan, disiplina, at unawa.+ 24  Ang ama ng matuwid ay tiyak na magagalak;Ang amang may marunong na anak ay magsasaya dahil sa kaniya. 25  Ang iyong ama at ina ay magsasaya,At ang nagsilang sa iyo ay magagalak. 26  Anak ko, ibigay mo sa akin ang puso mo,At malugod nawa ang mga mata mo sa mga daan ko.+ 27  Dahil ang babaeng bayaran ay malalim na hukay,At ang imoral na* babae ay makipot na balon.+ 28  Nag-aabang siyang gaya ng magnanakaw;+Pinararami niya ang di-tapat na mga lalaki. 29  Sino ang may problema? Sino ang di-mapakali? Sino ang nakikipagtalo? Sino ang may reklamo? Sino ang may mga sugat nang walang dahilan? Sino ang may mapupulang mata?* 30  Ang mga taong nagbababad sa pag-inom ng alak,+Ang mga naghahanap* ng tinimplahang alak. 31  Huwag kang tumingin sa mapulang kulay ng alak;Kumikislap ito sa baso at humahagod nang suwabe, 32  Pero sa huli ay nanunuklaw itong gaya ng ahasAt naglalabas ng lason na gaya ng ulupong. 33  Kung ano-ano ang makikita ng mga mata mo,At sasabihin mo ang masasamang bagay na nasa puso mo.+ 34  At para bang nakahiga ka sa gitna ng dagat,Parang nakahiga sa may tuktok ng layag.* 35  Sasabihin mo: “Pinalo nila ako, pero hindi ko naramdaman.* Hinampas nila ako, pero hindi ko namalayan. Kailan ako magigising?+ Gusto ko pang uminom.”*

Talababa

O “Pigilan mo ang sarili mo.”
O “Kung marami kang ninanasa.” Sa Hebreo, ang salitang ginamit para sa “ninanasa” ay neʹphesh. Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O posibleng “Tumigil ka sa paggamit ng sarili mong unawa.”
O “ng may masamang mata.”
Lit., “ang puso niya ay hindi sumasaiyo.”
Tanda ng hangganan.
Lit., “Manunubos.”
O “kabataan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “ang puso mo.”
Lit., “mga bato.”
O “Huwag kang makisama sa.”
O “Kunin.”
Lit., “banyagang.” Tingnan ang Kaw 2:16.
O “may mga matang walang ningning?”
O “mga nagsasama-sama para tumikim.”
O “sa tuktok ng palo,” o ang pinagkakabitan ng layag.
O “hindi ako nasaktan.”
O “Hahanapin ko pang muli iyon.”