Mga Kawikaan 29:1-27
29 Ang taong matigas pa rin ang ulo* kahit paulit-ulit na sawayin+Ay biglang mapipinsala at hindi na gagaling.+
2 Kapag marami ang matuwid, nagsasaya ang bayan,Pero kapag masama ang namamahala, dumaraing ang bayan.+
3 Ang umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+Pero ang nakikisama sa mga babaeng bayaran ay lumulustay ng kayamanan niya.+
4 Sa pamamagitan ng katarungan, pinatatatag ng hari ang kaharian niya,+Pero ginigiba ito ng humihingi ng suhol.
5 Ang nambobola ng kapuwa niyaAy naglalatag ng lambat para sa paa nito.+
6 Ang masamang tao ay nabibitag ng kasalanan niya,+Pero ang matuwid ay humihiyaw nang may kagalakan at natutuwa.+
7 Nababahala ang matuwid sa karapatan ng mahihirap,+Pero walang pakialam dito ang masama.+
8 Pinasisiklab ng mayayabang ang galit ng bayan,+Pero ang marurunong ay pumapawi ng galit.+
9 Kapag nakipagtalo ang matalino sa mangmang,May sigawan at laitan, pero wala ring kahihinatnan.+
10 Ang mga mamamatay-tao ay napopoot sa sinumang walang-sala,*+At gusto nilang patayin ang mga matuwid.*
11 Inilalabas ng mangmang ang lahat ng galit* niya,+Pero nananatiling kalmado ang marunong.+
12 Kapag nakikinig sa kasinungalingan ang tagapamahala,Magiging masama ang lahat ng lingkod niya.+
13 May pagkakatulad* ang dukha at ang nang-aapi:
Parehong pinagliliwanag ni Jehova ang mga mata nila.*
14 Kapag makatarungan ang hatol ng hari sa mahihirap,+Mananatiling matatag ang trono niya.+
15 Ang pamalo* at saway ay nagbibigay ng karunungan,+Pero ang batang hindi sinasaway ay nagdudulot ng kahihiyan sa kaniyang ina.
16 Kapag dumarami ang masasama, dumarami rin ang kasalanan,Pero makikita ng mga matuwid ang pagbagsak nila.+
17 Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan;*At mapasasaya ka niya nang husto.+
18 Kapag walang pangitain,* nagkakagulo ang bayan,+Pero maligaya ang tumutupad ng kautusan.+
19 Ang isang lingkod ay ayaw magpatuwid sa salita,Dahil kahit naiintindihan niya, hindi siya sumusunod.+
20 Nakakita ka na ba ng taong padalos-dalos sa pagsasalita?+
Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kaniya.+
21 Kung ibinibigay sa lingkod ang lahat ng gusto niya mula pagkabata,Siya ay magiging walang utang na loob balang-araw.
22 Nagkakaroon ng away dahil sa taong magagalitin;+Nakagagawa ng maraming kasalanan ang taong madaling magalit.+
23 Ang kayabangan ng isang tao ang magbababa sa kaniya,+Pero ang mapagpakumbaba* ay mapararangalan.+
24 Ang kaibigan ng magnanakaw ay napopoot sa sarili niya.
Makarinig man siya ng panawagan para tumestigo,* hindi siya magsasalita.+
25 Ang panginginig sa harap ng* mga tao ay isang bitag,*+Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay poprotektahan.+
26 Marami ang gustong makipag-usap sa isang* tagapamahala,Pero si Jehova ang nagbibigay ng katarungan sa isang tao.+
27 Ang taong di-makatarungan ay kasuklam-suklam sa mga matuwid,+Pero ang matuwid ang pamumuhay ay kasuklam-suklam sa masama.+
Talababa
^ O “nagpapatigas ng kaniyang leeg.”
^ O “walang kapintasan.”
^ O posibleng “Pero sinisikap ng matuwid na protektahan ang buhay niya.”
^ O “lahat ng nadarama.” Lit., “buong espiritu.”
^ Lit., “Nagkita.”
^ Ibig sabihin, binibigyan Niya sila ng buhay.
^ O “disiplina; parusa.”
^ Lit., “kapahingahan.”
^ O “patnubay mula sa Diyos.”
^ Lit., “ang mababa ang espiritu.”
^ O “ng panatang may kasamang sumpa.”
^ O “Ang pagkatakot sa.”
^ O “ay nag-uumang ng bitag.”
^ O posibleng “ang gustong makuha ang pabor ng.” Lit., “ang humahanap sa mukha ng.”