Mga Kawikaan 3:1-35
3 Anak ko, huwag mong kalimutan ang itinuturo* ko,At sundin mo sana nang buong puso ang mga utos ko,
2 Dahil ang mga ito ay magbibigay sa iyoNg mahaba at payapang buhay.+
3 Huwag mong iwan ang tapat na pag-ibig at katapatan.*+
Itali mo ang mga iyon sa leeg mo;Isulat mo ang mga iyon sa puso* mo;+
4 Sa gayon, ikaw ay magiging kalugod-lugod at may unawaSa mata ng Diyos at ng tao.+
5 Magtiwala ka kay Jehova+ nang buong puso,At huwag kang umasa* sa sarili mong unawa.+
6 Isaisip mo siya sa lahat ng tatahakin mong landas,+At itutuwid niya ang mga daan mo.+
7 Huwag kang magtiwala sa sarili mong karunungan.+
Matakot ka kay Jehova at lumayo sa kasamaan.
8 Mapagagaling nito ang katawan* moAt mapagiginhawa ang iyong mga buto.
9 Parangalan mo si Jehova sa pamamagitan ng iyong mahahalagang pag-aari,+Ng mga unang bunga ng* lahat ng iyong ani;*+
10 At mapupuno nang husto ang mga imbakan mo,+At aapaw ang bagong alak sa iyong mga pisaan ng ubas.
11 Anak ko, huwag mong itakwil ang disiplina ni Jehova,+At huwag mong kamuhian ang saway niya,+
12 Dahil sinasaway ni Jehova ang mga mahal niya,+Gaya ng ginagawa ng ama sa kinalulugdan niyang anak.+
13 Maligaya ang nakatagpo sa karunungan+At ang taong nagkaroon ng kaunawaan;
14 Mas mabuti ito kaysa sa pagkakaroon ng pilakAt mas kapaki-pakinabang kaysa sa pagkakaroon ng ginto.+
15 Mas mahalaga ito kaysa sa mga korales;*Anumang bagay na gustuhin mo ay hindi maipapantay rito.
16 Nasa kanang kamay nito ang mahabang buhayAt nasa kaliwang kamay ang kayamanan at kaluwalhatian.
17 Kasiya-siya ang mga daan nito,At may kapayapaan sa lahat ng landas nito.+
18 Ito ay punongkahoy ng buhay para sa mga nagtataglay nito,At magiging maligaya ang mga nanghahawakan dito.+
19 Inilagay ni Jehova ang pundasyon ng lupa sa pamamagitan ng karunungan.+
Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.+
20 Dahil sa kaniyang kaalaman, nahati ang malalim na katubiganAt bumabagsak ang hamog mula sa maulap na kalangitan.+
21 Anak ko, lagi mong isaisip ang mga ito.*
Ingatan mo ang karunungan* at ang kakayahang mag-isip;
22 Ang mga ito ay magbibigay sa iyo ng buhayAt magiging isang magandang kuwintas sa iyong leeg;
23 At panatag kang lalakad sa iyong mga daan,At hindi ka matatalisod.*+
24 Kapag humiga ka, hindi ka matatakot;+Hihiga ka at makakatulog nang mahimbing.+
25 Hindi ka matatakot sa biglaang sakuna+O sa bagyong pumipinsala sa masasama.+
26 Dahil talagang makapagtitiwala ka kay Jehova;+Hindi niya hahayaang mabitag ang iyong paa.+
27 Huwag mong ipagkait ang mabuti sa mga nangangailangan ng tulong*+Kung kaya mo namang* gawin ito.+
28 Huwag mong sabihin sa kapuwa mo: “Umuwi ka na, bumalik ka bukas at bibigyan kita,”
Kung maibibigay mo naman ito ngayon.
29 Huwag kang magplano ng masama sa kapitbahay mo+Na nagtitiwala sa iyo.
30 Huwag kang makipag-away sa isang tao nang walang dahilan+Kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.+
31 Huwag kang mainggit sa taong marahas+At huwag mong piliin ang alinman sa mga landas niya,
32 Dahil nasusuklam si Jehova sa mga mapanlinlang,+Pero ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.+
33 Isinusumpa ni Jehova ang bahay ng masasama,+Pero pinagpapala niya ang tahanan ng mga matuwid.+
34 Hinahamak niya ang mga manlalait+Pero pinapaboran ang maaamo.+
35 Karangalan ang tatanggapin ng marurunong,Pero kasiraang-puri ang itinataguyod ng mga mangmang.+
Talababa
^ O “batas.”
^ O “katotohanan.”
^ O “sa tapyas ng puso.”
^ O “manalig.”
^ Lit., “pusod.”
^ O “kita.”
^ O “Ng pinakamaganda sa.”
^ Lumilitaw na tumutukoy sa mga katangian ng Diyos na binanggit sa naunang mga talata.
^ O “praktikal na karunungan.”
^ O “At ang paa mo ay hindi hahampas sa anuman.”
^ O “Kung nasa kapangyarihan naman ng kamay mo na.”
^ O “sa mga nararapat tumanggap nito.”