Mga Kawikaan 5:1-23
5 Anak ko, bigyang-pansin mo ang karunungan ko.
Makinig kang mabuti* sa kaunawaan ko,+
2 Para mabantayan mo ang kakayahan mong mag-isipAt katotohanan* ang laging lumabas sa iyong bibig.+
3 Dahil ang pananalita* ng masamang* babae ay matamis na gaya ng pulot-pukyutan+At mas madulas kaysa sa langis.+
4 Pero sa huli, siya pala ay kasimpait ng halamang ahenho+At kasintalas ng espada na may dalawang talim.+
5 Ang mga paa niya ay papunta sa kamatayan.
Ang mga hakbang niya ay umaakay sa Libingan.*
6 Hindi niya inaalam ang daan patungo sa buhay.
Pagala-gala siya at hindi niya alam kung saan siya papunta.
7 Kaya mga anak, makinig kayo sa akin,At huwag kayong lumihis sa sinasabi ko.
8 Lumayo ka sa kaniya;Huwag kang lumapit sa pasukan ng bahay niya,+
9 Para hindi mo maiwala ang iyong dangal+At hindi ka magdusa habambuhay;+
10 Para hindi maubos ng mga estranghero ang mga tinataglay* mo+At hindi mapunta sa bahay ng banyaga ang mga pinaghirapan mo.
11 Kung hindi, daraing ka sa huling bahagi ng buhay moKapag nanghihina na ang iyong laman at katawan+
12 At sasabihin mo: “Bakit ko ba tinanggihan* ang disiplina?
Bakit hinamak ng puso ko ang pagsaway?
13 Hindi ako nakinig sa tinig ng mga tagapagturo ko,At hindi ako nagbigay-pansin sa aking mga guro.
14 Umabot ako sa bingit ng kapahamakanSa harapan ng buong kongregasyon.”*+
15 Uminom ka ng tubig mula sa sarili mong imbakanAt ng sariwang* tubig mula sa sarili mong balon.+
16 Dapat bang kumalat sa labas ang iyong mga bukalAt umabot sa liwasan* ang mga daloy ng iyong tubig?+
17 Para sa iyo lang iyonAt hindi para sa ibang tao.+
18 Pagpalain nawa ang iyong bukal ng tubig,At masiyahan ka nawa sa iyong asawa mula pa noong kabataan mo,+
19 Isang mapagmahal na babaeng usa, isang mapanghalinang kambing-bundok.*+
Masiyahan* ka sa kaniyang dibdib sa lahat ng panahon.
Lagi ka nawang mabihag ng pag-ibig niya.+
20 Kaya anak ko, bakit ka magpapabihag sa isang masamang* babaeO yayakap sa imoral na* babae?+
21 Dahil nakikita ni Jehova ang lakad ng tao;Sinusuri niya ang lahat ng landas nito.+
22 Ang masama ay nabibitag ng sarili niyang mga pagkakamali,At mahuhuli siya sa silo* ng sarili niyang kasalanan.+
23 Mamamatay siya dahil sa kawalan ng disiplinaAt maliligaw dahil sa sobrang kamangmangan.
Talababa
^ Lit., “Ikiling mo ang iyong tainga.”
^ O “kaalaman.”
^ Lit., “mga labi.”
^ O “ang lakas.”
^ O “kinapootan.”
^ Lit., “Sa gitna ng kapulungan at ng kongregasyon.”
^ O “umaagos na.”
^ O “plaza.”
^ O “Magpakalango.”
^ Tinatawag ding ibex.
^ O “lubid.”