Ayon kay Marcos 16:1-8
-
Binuhay-muli si Jesus (1-8)
16 Pagkalipas ng Sabbath,+ si Maria Magdalena, si Maria+ na ina ni Santiago, at si Salome ay bumili ng mababangong sangkap* na ipapahid nila sa katawan niya pagpunta nila sa libingan.+
2 At maagang-maaga noong unang araw ng linggo, pumunta sila sa libingan,* at dumating sila roon pagsikat ng araw.+
3 Sinasabi nila sa isa’t isa: “Sino ang mapapakiusapan nating maggulong ng bato mula sa pasukan ng libingan?”
4 Pero nang tingnan nila iyon, nakita nilang naigulong na ang bato, kahit napakalaki nito.+
5 Pagpasok nila sa libingan, nakita nila ang isang lalaki na nakaupo sa gawing kanan at nakasuot ng mahabang damit na puti, kaya natakot sila at natigilan.
6 Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong matakot.+ Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na Nazareno na ipinako sa tulos. Binuhay siyang muli,+ at wala siya rito. Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kaniya.+
7 Pumunta kayo sa mga alagad niya at kay Pedro at sabihin ninyo sa kanila, ‘Papunta na siya sa Galilea.+ Doon ninyo siya makikita, gaya ng sinabi niya sa inyo.’”+
8 Kaya paglabas nila, tumakbo sila mula sa libingan, na nanginginig at manghang-mangha. At wala silang sinabihan tungkol dito dahil natatakot sila.*+
Talababa
^ Dahon, langis, o iba pa na ginagamit sa paghahanda ng katawan para sa paglilibing.
^ O “alaalang libingan.”