Mikas 2:1-13

  • Kaawa-awa ang mga nang-aapi! (1-11)

  • Muling titipunin at pagkakaisahin ang Israel (12, 13)

    • Magiging maingay ang lupain dahil sa mga tao (12)

2  “Kaawa-awa ang mga may masamang balak,Na nagpaplano ng kasamaan habang nasa kanilang higaan! Sa pagsikat ng araw ay ginagawa nila iyon,Dahil kayang-kaya nilang gawin iyon.+   Kapag gusto nila ang isang bukid, inaagaw nila iyon,+Kapag nagustuhan nila ang isang bahay, kinukuha nila iyon;Nandaraya sila para makuha ang bahay ng isang tao,+At makuha ang mana nito.   Kaya ito ang sinabi ni Jehova: ‘May inihahanda akong kapahamakan laban sa inyo+ na hindi ninyo matatakasan.*+ Hindi na kayo lalakad nang may kayabangan,+ dahil panahon iyon ng kapahamakan.+   Sa araw na iyon, ang mga tao ay bibigkas ng isang kasabihan tungkol sa inyo,At magdadalamhati sila nang husto dahil sa inyo.+ Sasabihin nila: “Lubusan kaming nawasak!+ Kinuha niya ang parte ng aming bayan at ibinigay sa iba!+ Sa di-tapat ay ibinigay niya ang aming mga bukid.”   Kaya walang sinuman sa kongregasyon ni Jehova ang mag-uunat ng taliPara sukatin ang lupaing pinaghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan.   “Huwag kayong mangaral,” ang ipinangangaral nila,“Hindi nila dapat ipangaral ang mga bagay na ito;Hindi kami malalagay sa kahihiyan!”   O sambahayan ni Jacob, sinasabi ba ng mga tao: “Naubos na ba ang pasensiya ni Jehova? Siya ba ang gumawa ng mga ito?” Hindi ba ang mga salita ko ay para sa kabutihan ng mga namumuhay nang matuwid?   Pero nitong huli, ang sarili kong bayan ay naging isang kaaway. Harap-harapan ninyong kinukuha ang magandang palamuti kasama ng* damitMula sa mga taong dumadaan nang panatag, gaya ng mga umuuwi mula sa digmaan.   Pinalalayas ninyo ang mga babae ng aking bayan mula sa kanilang komportableng tirahan;Inalis ninyo ang aking kaluwalhatian mula sa kanilang mga anak magpakailanman. 10  Tumayo kayo at umalis, dahil hindi na kayo magiging panatag dito. Dahil sa karumihan,+ dumating ang pagkapuksa, isang nakapipighating pagkapuksa.+ 11  Kapag ang isang tao ay sumusunod sa hangin at kabulaanan at nagsasabi ng kasinungalingang ito: “Pangangaralan ko kayo tungkol sa alak at inuming nakalalasing,” Siya ang mángangarál na nababagay sa bayang ito!+ 12  Tiyak na titipunin ko kayong lahat, O Jacob;Talagang pagsasama-samahin ko ang mga natira sa Israel.+ Pagkakaisahin ko sila, gaya ng mga tupa sa kulungan,Gaya ng isang kawan sa pastulan nito;+Magiging maingay ito dahil sa mga tao.’+ 13  Ang magbubukas ng daan ay mauuna sa kanila;Makalalaya sila at dadaan sa pintuang-daan at lalabas mula roon.+ Ang hari nila ay mauuna sa kanila,At si Jehova ang mangunguna sa kanila.”+

Talababa

Lit., “na mula rito ay hindi ninyo maiaalis ang leeg ninyo.”
O posibleng “mula sa.”