Oseas 14:1-9

  • Pakiusap na manumbalik kay Jehova (1-3)

    • Paghahandog ng papuri ng labi (2)

  • Pagagalingin ang Israel at hindi na magtataksil (4-9)

14  “Manumbalik ka kay Jehova na iyong Diyos, O Israel,+Dahil natisod ka ng kasalanan mo.  2  Manumbalik kayo kay Jehova,At sabihin ninyo sa kaniya, ‘Patawarin mo nawa ang kasalanan namin+ at tanggapin ang mabuti,At ihahandog namin ang papuri ng aming labi+ na gaya ng mga batang toro.*  3  Hindi kami ililigtas ng Asirya.+ Hindi kami sasakay sa mga kabayo,+At hindi na namin sasabihin sa gawa ng mga kamay namin, “O aming Diyos!”Dahil ikaw ang nagpapakita ng awa sa batang walang ama.’+  4  Pagagalingin ko sila, at hindi na sila magiging taksil.+ Mamahalin ko sila nang buong puso,*+Dahil wala na ang galit ko sa kanila.+  5  Magiging gaya ako ng hamog sa Israel;Mamumulaklak siyang gaya ng liryo,At palalalimin niya ang mga ugat niya na gaya ng sa mga puno ng Lebanon.  6  Magiging mayabong siya,At magiging kasingganda siya ng punong oliboAt kasimbango ng Lebanon.  7  Maninirahan ulit sila sa lilim niya. Magpapatubo sila ng butil, at mamumulaklak silang gaya ng punong ubas.+ Ang katanyagan niya* ay magiging gaya ng alak ng Lebanon.  8  Sasabihin ng Efraim, ‘Ano pa ba ang kinalaman ko sa mga idolo?’+ Sasagot ako at babantayan ko siya.+ Magiging gaya ako ng mayabong na puno ng enebro. Ako ang magbibigay sa iyo ng bunga.”  9  Sino ang marunong? Unawain niya ang mga bagay na ito. Sino ang matalino? Alamin niya ang mga ito. Dahil matuwid ang daan ni Jehova,+At lalakad doon ang mga matuwid;Pero matitisod doon ang mga masuwayin.

Talababa

Lit., “ihahandog namin bilang ganti ang mga guyang toro ng aming labi.”
O “nang bukal sa loob.”
Lit., “Ang alaala sa kaniya.”