Oseas 6:1-11

  • Panawagan para manumbalik kay Jehova (1-3)

  • Ang tapat na pag-ibig ng bayan na madaling maglaho (4-6)

    • Tapat na pag-ibig, nakahihigit sa hain (6)

  • Ang masamang ginagawa ng bayan (7-11)

6  “Halikayo, at manumbalik tayo kay Jehova,Dahil niluray niya tayo,+ pero pagagalingin niya tayo. Sinaktan niya tayo, pero bebendahan niya ang mga sugat natin.  2  Palalakasin niya tayo pagkaraan ng dalawang araw. Ibabangon niya tayo sa ikatlong araw,At mabubuhay tayo sa harap niya.  3  Makikilala natin si Jehova; pagsisikapan nating makilala siya. Tiyak ang paglapit niya sa atin, gaya ng pagsikat ng araw sa umaga;Lalapit siya sa atin na gaya ng bumubuhos na ulan,Gaya ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa.”  4  “Ano ang dapat kong gawin sa iyo, Efraim? Ano ang dapat kong gawin sa iyo, Juda? Dahil ang tapat na pag-ibig mo ay parang ulap sa umaga,Parang hamog na madaling naglalaho.  5  Kaya naman pababagsakin ko sila sa pamamagitan ng mga propeta;+Papatayin ko sila sa pamamagitan ng mga pananalita ng bibig ko.+ At ang mga hatol sa iyo ay sisinag na gaya ng liwanag.+  6  Dahil tapat na pag-ibig* ang gusto ko at hindi hain,At kaalaman sa Diyos, sa halip na mga buong handog na sinusunog.+  7  Pero sumira sila sa tipan, gaya ng karaniwang tao.+ Pinagtaksilan nila ako sa lupain nila.  8  Ang Gilead ay bayan ng masasama,+At dumadanak dito ang dugo.+  9  Ang grupo ng mga saserdote ay gaya ng grupo ng mga mandarambong na nag-aabang sa isang tao. Pumapatay sila sa lansangan sa Sikem,+Dahil masama talaga ang ginagawa nila. 10  May nakita akong kakila-kilabot na bagay sa sambahayan ng Israel. Doon ay nakikiapid* ang Efraim;+Nagpakarumi ang Israel.+ 11  At isang pag-aani ang itinakda para sa iyo, O Juda,Kapag tinipon kong muli ang mga nabihag sa aking bayan.”+

Talababa

O “Dahil awa.”
O “naging babaeng bayaran.”