Oseas 7:1-16
7 “Noong panahong pagagalingin ko ang Israel,Nalantad ang kasalanan ng Efraim+At ang kasamaan ng Samaria.+
Dahil nanlilinlang sila;+Nanloloob ang mga magnanakaw at may mga mandarambong sa labas.+
2 Pero hindi nila sinasabi sa sarili nila na matatandaan ko ang lahat ng kasamaan nila.+
Ngayon ay nakapalibot sa kanila ang mga ginawa nila;Ang mga iyon ay nasa harap ng mukha ko.
3 Pinasasaya nila ang hari dahil sa kasamaan nila,At ang mga pinuno* dahil sa panlilinlang nila.
4 Lahat sila ay mapangalunya,Gaya ng pugon na pinaaapoy ng isang panaderoAt hindi na kailangang painitin habang nagmamasa siya at naghihintay na umalsa ang masa.
5 Sa araw ng ating hari ay nagkasakit ang mga pinuno—Nagalit sila dahil sa impluwensiya ng alak.+
Iniabot niya ang kamay niya sa mga manlalait.
6 Dahil lumapit sila habang nag-aapoy ang mga puso nila na gaya ng pugon.*
Magdamag na natulog ang panadero;Sa kinaumagahan, nagliliyab ang pugon gaya ng malaking apoy.
7 Lahat sila ay gaya ng mainit na pugon,At nilalamon nila ang mga tagapamahala* nila.
Lahat ng hari nila ay bumagsak;+Walang sinuman sa kanila ang tumatawag sa akin.+
8 Nakikisama ang Efraim sa ibang bansa.+
Ang Efraim ay gaya ng bilog na tinapay na hindi naibaligtad habang niluluto.
9 Inubos ng mga estranghero ang lakas niya,+ pero hindi niya ito alam.
At namuti ang buhok niya pero hindi niya napansin.
10 Ang ipinagmamalaki ng Israel ay tumestigo laban sa kaniya,+Pero hindi sila nanumbalik sa Diyos nilang si Jehova,+At hindi nila siya hinanap sa kabila ng lahat ng ito.
11 Ang Efraim ay gaya ng kalapati na mangmang at kulang sa unawa.*+
Humingi sila ng tulong sa Ehipto;+ lumapit sila sa Asirya.+
12 Saanman sila pumunta, ihahagis ko sa kanila ang lambat ko.
Pababagsakin ko silang gaya ng mga ibon sa langit.
Didisiplinahin ko sila ayon sa babalang ibinigay sa kapulungan nila.+
13 Kawawa sila, dahil tinakasan nila ako!
Mapapahamak sila, dahil nagkasala sila sa akin!
Nakahanda na akong tubusin sila, pero nagsabi sila ng mga kasinungalingan tungkol sa akin.+
14 Hindi mula sa puso ang paghingi nila ng tulong sa akin,+Kahit tumatangis sila sa mga higaan nila.
Hinihiwaan nila ang sarili nila para sa butil at bagong alak;Nilalabanan nila ako.
15 Kahit dinisiplina ko sila at pinalakas ang mga bisig nila,Nilalabanan nila ako at nagpaplano sila ng masama.
16 Nagbago sila ng landas, pero hindi tungo sa mas mataas;*Hindi sila maaasahan, gaya ng panang maluwag ang bagting.+
Ang mga pinuno nila ay mamamatay sa espada dahil palaban ang dila nila.
Dahil dito, magiging tampulan sila ng panlalait sa Ehipto.”+
Talababa
^ O “prinsipe.”
^ O posibleng “Dahil ang mga puso nila ay gaya ng pugon kapag lumalapit sila nang may pakana.”
^ Lit., “hukom.”
^ Lit., “at walang puso.”
^ Hindi sa nakatataas na anyo ng pagsamba.