Oseas 8:1-14
8 “Hipan mo ang tambuli!+
May dumarating na gaya ng agila laban sa bahay ni Jehova,+Dahil sumira sila sa tipan ko+ at nilabag nila ang kautusan ko.+
2 Sumisigaw sila sa akin, ‘Diyos ko, kilala ka namin, kaming Israel!’+
3 Itinakwil ng Israel ang mabuti.+
Hahabulin siya ng isang kaaway.
4 Nagluklok sila ng mga hari na hindi mula sa akin.
Nag-atas sila ng mga pinuno* na hindi ko kinikilala.
Gumawa sila ng mga idolo mula sa kanilang pilak at ginto+Sa ikapapahamak nila.+
5 Ang iyong guya* ay itinakwil, O Samaria.+
Lumalagablab ang galit ko sa kanila.+
Hanggang kailan sila mananatiling marumi?
6 Dahil mula iyon sa Israel.
Gawa lang iyon ng isang bihasang manggagawa, at hindi iyon ang Diyos;Ang guya ng Samaria ay dudurugin.
7 Naghahasik sila ng hangin,At aani sila ng hangin ng bagyo.+
Walang hinog na butil ang mga tangkay;+Anumang sumisibol ay hindi puwedeng gawing harina.
Kung mayroon mang maging bunga, lalamunin iyon ng mga dayuhan.*+
8 Ang Israel ay lalamunin.+
Ngayon ay mapapasama sila sa mga bansa,+Gaya ng sisidlang inaayawan.
9 Dahil pumunta sila sa Asirya,+ gaya ng isang mailap na asnong nag-iisa.
Ang Efraim ay umupa ng mga kalaguyo.+
10 Kahit na mula sa mga bansa sila umuupa ng mga kalaguyo,Ngayon ay titipunin ko sila;Magsisimula silang magdusa+ dahil sa pasaning galing sa hari at mga pinuno.
11 Dahil ang Efraim ay nagparami ng mga altar at nagkasala.+
Ginamit niya ang mga altar na iyon para magkasala.+
12 Sumulat ako para sa kaniya ng maraming utos,*Pero ang mga iyon ay itinuring na kakatwa.+
13 Naghahandog sila sa akin ng mga kaloob, at kinakain nila ang karne,Pero hindi nalulugod si Jehova sa mga iyon.+
Ngayon ay aalalahanin niya ang mga kasalanan nila at paparusahan sila dahil sa mga iyon.+
Bumalik* sila sa Ehipto.+
14 Kinalimutan ng Israel ang kaniyang Maylikha,+ at nagtayo siya ng mga templo,+At ang Juda ay nagparami ng napapaderang* lunsod.+
Pero magpapadala ako ng apoy sa kaniyang mga lunsod,At tutupukin nito ang mga tore ng bawat lunsod.”+
Talababa
^ O “prinsipe.”
^ O “batang baka.”
^ O “estranghero.”
^ O “tagubilin.”
^ O posibleng “Babalik.”
^ O “nakukutaang.”