Oseas 9:1-17

  • Itinakwil ng Diyos ang Efraim dahil sa mga kasalanan nito (1-17)

    • Inialay ang sarili sa kahiya-hiyang diyos (10)

9  “Huwag kang matuwa, O Israel,+Huwag kang magsaya na gaya ng mga bayan. Dahil sa pamamagitan ng prostitusyon* ay lumayo ka sa iyong Diyos.+ Nagustuhan mo ang bayad para sa isang babaeng bayaran na tinanggap mo mula sa bawat giikan ng butil.+  2  Pero hindi sila mapakakain ng giikan at ng pisaan ng ubas,At madidismaya siya sa bagong alak.+  3  Hindi sila patuloy na maninirahan sa lupain ni Jehova;+Babalik sa Ehipto ang Efraim,At kakain sila ng marumi sa Asirya.+  4  Hindi na sila magbubuhos ng alak bilang handog kay Jehova;+Hindi siya masisiyahan sa mga hain nila.+ Ang mga iyon ay gaya ng tinapay ng pagdadalamhati;Ang lahat ng kumakain nito ay magiging marumi. Dahil sila lang ang makikinabang sa tinapay nila;Hindi iyon papasok sa bahay ni Jehova.  5  Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagtitipon,*Sa araw ng kapistahan ni Jehova?  6  Dahil may magaganap na pagwasak at kakailanganin nilang tumakas.+ Titipunin sila ng Ehipto,+ at ililibing sila ng Memfis.+ Mapupunta sa halamang kulitis ang mahahalagang pag-aari nila na gawa sa pilak,At magkakaroon ng matitinik na halaman sa tolda nila.  7  Darating ang mga araw ng pagtutuos,+Darating ang mga araw ng paniningil,At malalaman iyon ng Israel. Magiging mangmang ang propeta nila, at mababaliw ang nag-aangking tagapagsalita ng Diyos;Kinapopootan ka nang husto dahil napakarami ng kasalanan mo.”  8  Kasama noon ng aking Diyos+ ang bantay+ ng Efraim. Pero ngayon, ang lahat ng ginagawa ng mga propeta niya+ ay gaya ng mga bitag ng manghuhuli ng ibon;May matinding poot sa bahay ng kaniyang Diyos.  9  Nagpakasasa sila sa mga gawaing aakay sa kapahamakan, gaya noong mga araw ng Gibeah.+ Aalalahanin niya ang kasalanan nila at paparusahan sila dahil sa mga ito.+ 10  “Natagpuan ko ang Israel na gaya ng ubas sa ilang.+ Nakita ko ang iyong mga ninuno na gaya ng unang bunga ng puno ng igos. Pero lumapit sila sa Baal ng Peor;+Inialay nila ang kanilang sarili sa kahiya-hiyang bagay,*+At naging kasuklam-suklam sila gaya ng bagay na iniibig nila. 11  Naglaho ang kaluwalhatian ng Efraim gaya ng isang ibong lumipad;Walang nanganganak, walang nagdadalang-tao, at walang naglilihi.+ 12  Kahit makapagpalaki sila ng mga anak,Uubusin ko ang mga ito hanggang sa wala nang matira;+Oo, magiging kaawa-awa sila kapag tinalikuran ko sila!+ 13  Para sa akin, gaya ng Tiro+ ang Efraim, na nakatanim sa isang pastulan;Ngayon, kailangang ilabas ng Efraim ang kaniyang mga anak para patayin.” 14  Ibigay mo sa kanila, O Jehova, kung ano ang dapat mong ibigay;Isang sinapupunang nakukunan at dibdib na tuyot.* 15  “Sa Gilgal nila ginawa ang lahat ng kasamaan nila,+ kaya doon ako napoot sa kanila. Palalayasin ko sila sa bahay ko dahil sa masasamang gawa nila.+ Hindi ko na sila mamahalin;+Matigas ang ulo ng lahat ng pinuno* nila. 16  Pababagsakin ang Efraim.+ Matutuyo ang ugat nila, at hindi sila mamumunga. Kahit manganak sila, papatayin ko ang minamahal nilang mga supling.” 17  Itatakwil sila ng aking Diyos,Dahil hindi sila nakinig sa kaniya,+At magiging mga takas sila sa gitna ng mga bansa.+

Talababa

O “imoralidad.”
O “ng inyong nakatakdang kapistahan.”
O “diyos.”
Lit., “mga susong nangunguluntoy.”
O “prinsipe.”