Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Aklat ng Zacarias

Kabanata

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14

Nilalaman

  • 1

    • Panawagan na manumbalik kay Jehova (1-6)

      • ‘Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo’ (3)

    • Pangitain 1: Mga mangangabayo sa gitna ng mga puno ng mirto (7-17)

      • “Muling pagiginhawahin ni Jehova ang Sion” (17)

    • Pangitain 2: Apat na sungay at apat na bihasang manggagawa (18-21)

  • 2

    • Pangitain 3: Isang lalaki na may pising panukat (1-13)

      • Susukatin ang Jerusalem (2)

      • Si Jehova, “isang pader na apoy sa palibot” (5)

      • Paghipo sa itim ng mata ng Diyos (8)

      • Maraming bansa ang papanig kay Jehova (11)

  • 3

    • Pangitain 4: Pinalitan ang damit ng mataas na saserdote (1-10)

      • Kinakalaban ni Satanas ang mataas na saserdoteng si Josue (1)

      • “Ipapakilala ko ang lingkod kong si Sibol!” (8)

  • 4

    • Pangitain 5: Isang kandelero at dalawang punong olibo (1-14)

      • ‘Hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking espiritu’ (6)

      • Huwag hamakin ang maliliit na bagay na nagagawa sa pasimula (10)

  • 5

    • Pangitain 6: Ang lumilipad na balumbon (1-4)

    • Pangitain 7: Ang lalagyang epa (5-11)

      • Babaeng nasa loob na nagngangalang Kasamaan (8)

      • Dinala sa Sinar ang lalagyan (9-11)

  • 6

    • Pangitain 8: Apat na karwahe (1-8)

    • Magiging hari at saserdote si Sibol (9-15)

  • 7

    • Kinondena ni Jehova ang pakitang-taong pag-aayuno (1-14)

      • “Talaga bang nag-aayuno kayo para sa akin?” (5)

      • ‘Pakitunguhan ang isa’t isa nang makatarungan at may tapat na pag-ibig at awa’ (9)

  • 8

    • Paiiralin ni Jehova ang kapayapaan at katotohanan sa Sion (1-23)

      • Jerusalem, “lunsod ng katotohanan” (3)

      • “Magsalita kayo ng katotohanan sa isa’t isa” (16)

      • Ang pag-aayuno ay mapapalitan ng pagsasaya (18, 19)

      • ‘Halikayo, hanapin natin si Jehova’ (21)

      • Hahawak ang 10 lalaki sa damit ng isang Judio (23)

  • 9

    • Hatol ng Diyos sa kalapít na mga bansa (1-8)

    • Ang pagdating ng hari ng Sion (9, 10)

      • Mapagpakumbabang hari na nakasakay sa asno (9)

    • Palalayain ang bayan ni Jehova (11-17)

  • 10

    • Humiling ng ulan kay Jehova, hindi sa huwad na mga diyos (1, 2)

    • Pinagkakaisa ni Jehova ang bayan niya (3-12)

      • Ang pinuno mula sa sambahayan ng Juda (3, 4)

  • 11

    • Mga resulta ng pagtanggi sa tunay na pastol ng Diyos (1-17)

      • “Pastulan mo ang kawan na nakatakdang patayin” (4)

      • Dalawang baston: Kagandahang-Loob at Pagkakaisa (7)

      • Kabayaran sa pastol: 30 pirasong pilak (12)

      • Inihagis ang pera sa kabang-yaman (13)

  • 12

    • Ipagtatanggol ni Jehova ang Juda at Jerusalem (1-9)

      • Jerusalem, “isang mabigat na bato” (3)

    • Paghagulgol sa sinaksak (10-14)

  • 13

    • Aalisin ang mga idolo at huwad na mga propeta (1-6)

      • Mahihiya ang huwad na mga propeta (4-6)

    • Sasaktan ang pastol (7-9)

      • Dadalisayin ang ikatlong bahagi (9)

  • 14

    • Ganap na tagumpay ng tunay na pagsamba (1-21)

      • Mabibiyak sa gitna ang Bundok ng mga Olibo (4)

      • Si Jehova ay magiging iisa, at ang pangalan niya ay magiging iisa (9)

      • Salot sa mga nakikipagdigma sa Jerusalem (12-15)

      • Pagdiriwang ng Kapistahan ng mga Kubol (16-19)

      • Bawat lutuan ay magiging banal kay Jehova (20, 21)