Zacarias 10:1-12

  • Humiling ng ulan kay Jehova, hindi sa huwad na mga diyos (1, 2)

  • Pinagkakaisa ni Jehova ang bayan niya (3-12)

    • Ang pinuno mula sa sambahayan ng Juda (3, 4)

10  “Humiling kayo kay Jehova ng ulan sa panahon ng tagsibol. Si Jehova ang gumagawa ng makapal at maitim na ulap,Ang nagpapaulan para sa kanila,+At nagbibigay sa lahat ng pananim sa bukid.  2  Dahil ang mga rebultong terapim* ay nagsalita ng panlilinlang;*At ang pangitain ng mga manghuhula ay kasinungalingan. Nagsasalita sila tungkol sa mga panaginip na walang kabuluhan,At walang saysay ang pagsisikap nilang mang-aliw. Kaya magpapalaboy-laboy silang gaya ng mga tupa. Magdurusa sila dahil walang pastol.  3  Nag-iinit ang galit ko sa mga pastol,At pananagutin ko ang mapang-aping mga lider;*Dahil binigyang-pansin ni Jehova ng mga hukbo ang kawan niya,+ ang sambahayan ng Juda,At ginawa niya silang tulad ng kaniyang matikas na kabayong pandigma.  4  Sa kaniya nanggagaling ang pinuno,*Sa kaniya nanggagaling ang katulong na tagapamahala,*Sa kaniya nanggagaling ang panang pandigma;Sa kaniya nanggagaling ang bawat tagapangasiwa,* silang lahat.  5  At sila ay magiging gaya ng mga mandirigma,Na tumatapak sa putik sa mga lansangan sa panahon ng digmaan. Makikipagdigma sila, dahil si Jehova ay sumasakanila;+At ang mga mangangabayo ay mapapahiya.+  6  Gagawin kong mas malakas sa iba ang sambahayan ng Juda,At ililigtas ko ang sambahayan ni Jose.+ Ibabalik ko sila sa dati,Dahil pagpapakitaan ko sila ng awa,+Na parang hindi ko sila itinakwil kailanman;+Dahil ako si Jehova na kanilang Diyos, at sasagutin ko sila.  7  Ang mga taga-Efraim ay magiging gaya ng isang malakas na mandirigma,At ang puso nila ay magsasaya na para bang nakainom sila ng alak.+ Makikita ito ng mga anak nila at magsasaya ang mga ito;Ang puso nila ay magagalak dahil kay Jehova.+  8  ‘Sisipulan ko sila at titipunin;Dahil tutubusin ko sila,+ at sila ay darami,At patuloy na darami.  9  Kahit pinangalat ko silang gaya ng binhi sa mga bayan,Maaalaala nila ako sa malalayong lugar;Magkakaroon sila ng panibagong lakas at magbabalik kasama ng mga anak nila. 10  Ibabalik ko sila mula sa lupain ng EhiptoAt titipunin sila mula sa Asirya;+Dadalhin ko sila sa lupain ng Gilead+ at Lebanon,At kahit sa mga lugar na ito ay hindi sila magkakasya.+ 11  Sa pagdaan niya sa dagat ay maliligalig ito;At pababagsakin niya ang mga alon sa dagat;+Ang lahat ng kalaliman ng Nilo ay matutuyo. Ibabagsak ang mayabang na Asirya,At maglalaho ang setro ng Ehipto.+ 12  Ako, si Jehova, ang magbibigay sa kanila ng lakas na nakahihigit sa iba,+At lalakad sila sa pangalan ko,’+ ang sabi ni Jehova.”

Talababa

O “mga diyos ng pamilya; mga idolo.”
O “hiwaga; kababalaghan.”
Lit., “ang mga lalaking kambing.”
Lit., “tore sa kanto ng pader,” na lumalarawan sa isang importanteng tao.
O “pako,” na lumalarawan sa isang tumutulong; isang tagapamahala.
O “tagapag-utos.”