Zacarias 7:1-14

  • Kinondena ni Jehova ang pakitang-taong pag-aayuno (1-14)

    • “Talaga bang nag-aayuno kayo para sa akin?” (5)

    • ‘Pakitunguhan ang isa’t isa nang makatarungan at may tapat na pag-ibig at awa’ (9)

7  At sa ikaapat na taon ni Haring Dario, ang mensahe ni Jehova ay dumating kay Zacarias+ noong ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan, ang buwan ng Kislev.* 2  Isinugo ng mga taga-Bethel si Sarezer at si Regem-melec at ang mga tauhan nito para makiusap kay* Jehova 3  at sabihin sa mga saserdote ng bahay* ni Jehova ng mga hukbo at sa mga propeta: “Tatangis ba ako sa ikalimang buwan+ at hindi kakain, gaya ng ginagawa ko sa loob ng maraming taon?” 4  Ang mensahe ni Jehova ng mga hukbo ay muling dumating sa akin, na nagsasabi: 5  “Sabihin mo sa lahat ng tao sa lupain at sa mga saserdote, ‘Noong nag-aayuno* kayo at humahagulgol sa ikalimang buwan at sa ikapitong buwan+ sa loob ng 70 taon,+ talaga bang nag-aayuno kayo para sa akin? 6  At kapag kumakain kayo at umiinom, hindi ba kumakain kayo at umiinom para sa sarili ninyo? 7  Hindi ba dapat ninyong sundin ang mga salitang inihayag ni Jehova sa pamamagitan ng mga propeta noon,+ nang ang Jerusalem at ang kaniyang mga lunsod ay pinaninirahan at mapayapa, at noong pinaninirahan ang Negeb at ang Sepela?’” 8  Ang mensahe ni Jehova ay muling dumating kay Zacarias, na nagsasabi: 9  “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Humatol kayo nang may tunay na katarungan;+ at pakitunguhan ninyo ang isa’t isa nang may tapat na pag-ibig+ at awa. 10  Huwag ninyong dayain ang biyuda o ang batang walang ama,*+ ang dayuhan+ o ang mahirap;+ at huwag kayong magplano ng masama laban sa isa’t isa sa inyong mga puso.’+ 11  Pero ayaw nilang magbigay-pansin,+ at nagmatigas sila+ at nagbingi-bingihan.+ 12  Ang puso nila ay ginawa nilang sintigas ng diamante,*+ at ayaw nilang sundin ang kautusan* at ang mensahe ni Jehova ng mga hukbo na ipinadala ng kaniyang espiritu sa pamamagitan ng mga propeta noon.+ Kaya nagalit nang husto si Jehova ng mga hukbo.”+ 13  “‘Dahil hindi sila nakinig nang tumawag ako,*+ hindi rin ako makikinig kapag tumawag sila,’+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 14  ‘At sa pamamagitan ng bagyo ay pinangalat ko sila sa lahat ng bansa na hindi nila kilala,+ at ang lupain ay naiwang tiwangwang, at wala ritong dumadaan o bumabalik;+ dahil ang kanais-nais na lupain ay ginawa nilang nakapangingilabot.’”

Talababa

Tingnan ang Ap. B15.
Lit., “para palambutin ang mukha ni.”
O “templo.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”
O “ang ulila.”
O posibleng “matigas na bato,” gaya ng batong esmeril.
O “tagubilin.”
Lit., “siya.”