Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOB 33-37

Ang Tunay na Kaibigan ay Nagbibigay ng Nakapagpapatibay na Payo

Ang Tunay na Kaibigan ay Nagbibigay ng Nakapagpapatibay na Payo

Nang sumali si Elihu sa usapan, ibang-iba ang payo niya kaysa kina Elipaz, Bildad, at Zopar. At iba rin ang pakikitungo niya kay Job. Naging isang tunay na kaibigan siya at mahusay na tagapayo, na karapat-dapat tularan.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA TAGAPAYO

NAGING MAGANDANG HALIMBAWA SI ELIHU

32:4-7, 11, 12; 33:1

 

  • MATIYAGA

  • NAKIKINIG

  • MAGALANG

 
  • Matiyagang naghintay si Elihu hanggang sa matapos magsalita ang mga nakatatanda

  • Sa pamamagitan ng pakikinig na mabuti, mas naunawaan niya ang isyu bago siya nagpayo

  • Ginamit niya ang pangalan ni Job at nakipag-usap dito bilang kaibigan

 

33:6, 7, 32

 

  • MAPAGPAKUMBABA

  • MADALING LAPITAN

  • MAY EMPATIYA

 
  • Si Elihu ay mapagpakumbaba at mabait, at inamin niya ang kaniyang pagkakamali

  • Nagpakita siya ng empatiya sa pagdurusa ni Job

 

33:24, 25; 35:2, 5

 

  • TIMBANG

  • MABAIT

  • MAKADIYOS

 
  • May-kabaitang ipinakita ni Elihu na hindi timbang ang pananaw ni Job

  • Tinulungan ni Elihu si Job na maunawaan na hindi ang kaniyang pagiging matuwid ang pinakamahalagang bagay

  • Ang mahusay na payo ni Elihu ay tumulong kay Job na tumanggap ng karagdagang tagubilin mula kay Jehova mismo