Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Maaari Mong Patibayin ang mga Di-aktibong Kristiyano

Maaari Mong Patibayin ang mga Di-aktibong Kristiyano

Sa Martes, Abril 11, maraming di-aktibong Kristiyano ang dadalo sa Memoryal. Nagsimula silang tumakbo sa takbuhan ukol sa buhay pero nagmabagal dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Ang ilan sa mga dahilang ito ay tinalakay sa brosyur na Manumbalik Ka kay Jehova. (Heb 12:1) Pero ang mga di-aktibo ay mahalaga pa rin kay Jehova, na bumili sa kanila sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang Anak. (Gaw 20:28; 1Pe 1:18, 19) Paano natin sila matutulungang manumbalik sa kongregasyon?

Hinahanap at tinutulungan ng mga elder sa kongregasyon ang mga di-aktibong Kristiyano kung paanong sinisikap hanapin ng isang pastol ang mga tupang napalayo sa kawan. (Luc 15:4-7) Ipinakikita nito ang maibiging pagmamalasakit ni Jehova. (Jer 23:3, 4) Tayong lahat, hindi lang ang mga elder, ay maaaring magpatibay sa kanila. Ang pagsisikap nating magpakita ng kabaitan at pakikipagkapuwa-tao ay nakalulugod kay Jehova at maaaring magdulot ng magagandang resulta. (Kaw 19:17; Gaw 20:35) Kaya pag-isipan kung sino ang puwede mong patibayin, at gawin ito agad!

PANOORIN ANG VIDEO NA PATIBAYIN ANG MGA DI-AKTIBO. PAGKATAPOS, TALAKAYIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong pagkukusa ang ginawa ni Abbey nang makausap niya ang isang Saksi na hindi niya kilala?

  • Bakit dapat nating sabihin sa mga elder kung gusto nating tulungan ang isang di-aktibo?

  • Anong paghahanda ang ginawa ni Abbey bago niya bisitahin si Laura sa ikalawang pagkakataon?

  • Paano naipakita ni Abbey ang pagtitiyaga, pagtitiis, at pag-ibig habang sinisikap niyang patibayin si Laura?

  • Ano ang matututuhan natin sa ilustrasyon ni Jesus sa Lucas 15:8-10?

  • Ano ang resulta ng pinagsama-samang pagsisikap ng mga kapatid para matulungan si Laura?