Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gamitin Nang Mahusay ang mga Tool sa Ating Toolbox sa Pagtuturo

Gamitin Nang Mahusay ang mga Tool sa Ating Toolbox sa Pagtuturo

Ang paggawa ng alagad ay parang pagtatayo ng bahay. Para makapagtayo ng bahay, dapat nating gamitin nang mahusay ang mga tool. Mas kailangan nating pasulungin ang ating kakayahan sa paggamit ng ating pangunahing tool, ang Salita ng Diyos. (2Ti 2:15) Kailangan din nating gamitin nang mahusay ang iba pang mga publikasyon at video sa ating Toolbox sa Pagtuturo—na ang tunguhin ay gumawa ng mga alagad. *

Paano mo mapasusulong ang paggamit ng mga tool sa ating Toolbox sa Pagtuturo? (1) Humingi ng tulong sa iyong tagapangasiwa ng grupo sa paglilingkod, (2) sumama sa makaranasang mamamahayag o payunir, at (3) magpraktis, magpraktis, magpraktis. Habang humuhusay ka sa paggamit ng mga publikasyon at video, mararanasan mo ang kagalakang dulot ng espirituwal na pagtatayo na nangyayari sa ngayon.

MAGASIN

BROSYUR

AKLAT

TRACT

VIDEO

IMBITASYON

CONTACT CARD

^ par. 3 Ang ilang publikasyon na hindi isinama sa ating Toolbox sa Pagtuturo ay dinisenyo para sa espesipikong mambabasa. Maaari itong gamitin sa angkop na mga pagkakataon.