Abril 1-7
1 CORINTO 7-9
Awit 136 at Panalangin
Pambungad na Komento (3 min. o mas maikli)
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Pagiging Walang Asawa—Isang Kaloob”: (10 min.)
1Co 7:32—Ang mga Kristiyanong walang asawa ay mas makakapagpokus sa paglilingkod kay Jehova dahil wala silang mga pananagutang gaya ng sa mga may asawa (w11 1/15 17-18 ¶3)
1Co 7:33, 34—“Laging iniisip ng [mga Kristiyanong] may asawa ang mga bagay sa sanlibutan” (w08 7/15 27 ¶1)
1Co 7:37, 38—Ang mga Kristiyanong nananatiling walang asawa para mas makapagpokus sa espirituwal na mga tunguhin ay “mas napapabuti” kaysa sa mga Kristiyanong may asawa (w96 10/15 12-13 ¶14)
Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (8 min.)
1Co 7:11—Sa anong mga kalagayan maaaring ipasiya ng isang Kristiyano na makipaghiwalay sa kaniyang asawa? (lvs 251)
1Co 7:36—Bakit dapat tiyakin ng mga Kristiyano na “lampas na [sila] sa kasibulan ng kabataan” bago mag-asawa? (w00 7/15 31 ¶2)
Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jehova mula sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Ano pang espirituwal na hiyas ang natuklasan mo sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Pagbabasa ng Bibliya: (4 min. o mas maikli) 1Co 8:1-13 (th aralin 5)
MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo: (10 min.) Pagtalakay. I-play ang video na Angkop na Introduksiyon sa Teksto, at saka talakayin ang aralin 4 ng brosyur na Pagtuturo.
Pahayag: (5 min. o mas maikli) w12 11/15 20 —Tema: Makahimala Bang Tumanggap ng Kaloob ng Pagiging Walang Asawa ang mga Nagpasiyang Manatiling Walang Asawa? (th aralin 12)
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Gawing Matagumpay ang Pagiging Walang Asawa: (15 min.) I-play ang video. Pagkatapos, itanong ang mga sumusunod: Anong hamon ang napapaharap sa maraming Kristiyanong walang asawa? (1Co 7:39) Paano naging mabuting halimbawa ang anak na babae ni Jepte? Ano ang ibinibigay ni Jehova sa mga lumalakad nang tapat? (Aw 84:11) Paano mapapatibay ng kongregasyon ang mga walang asawa? Anong mga larangan ng paglilingkod ang bukás sa mga Kristiyanong walang asawa?
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: (30 min.) jy kab. 61
Repaso at mga Aabangan sa Susunod na Linggo (3 min.)
Awit 42 at Panalangin