Ang Diyos ang Magiging “Nag-iisang Tagapamahala ng Lahat”
Napakaganda ng kinabukasang naghihintay sa mga mananatiling tapat kay Jehova! Kapag ipinakikipag-usap natin sa iba ang ating pag-asa, lalong tumatatak sa puso natin ang mga pangako niya. Pinasigla ni apostol Pablo ang kaniyang mga kapuwa Kristiyano na isip-isipin ang mangyayari sa pagtatapos ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo. Sa panahong iyon, si Jehova ang magiging “nag-iisang Tagapamahala ng lahat.”
Alin sa darating na mga pagpapala ang pinakagusto mo, at bakit?
Bakit ka kumbinsido na magkakatotoo ang mga pangako ng Diyos?