PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ano ang Pinakamahalaga sa Akin?
Nakipagbuno si Jacob sa isang anghel para sa isang napakahalagang bagay—ang pagpapala ni Jehova. (Gen 32:24-31; Os 12:3, 4) Kumusta naman tayo? Ginagawa ba natin ang ating buong makakaya para sundin si Jehova at makuha ang pagpapala niya? Halimbawa, kung pinag-o-overtime ka sa trabaho sa panahon ng pulong, ano ang gagawin mo? Kapag ibinigay natin kay Jehova ang oras, lakas, at mga pag-aari natin, ibubuhos niya sa atin “ang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.” (Mal 3:10) Papatnubayan at poprotektahan niya tayo, at ibibigay niya ang mga pangangailangan natin.—Mat 6:33; Heb 13:5.
PANOORIN ANG VIDEO NA MAGPOKUS SA ESPIRITUWAL NA MGA TUNGUHIN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano nasubok ang pananampalataya ng isang sister dahil sa isang bagay na gustong-gusto niyang gawin?
-
Paano posibleng maging hamon sa atin ang ating trabaho?
-
Bakit dapat patuloy na umabot ng tunguhin si Timoteo kahit isa na siyang espirituwal na tao?—1Ti 4:16
-
Paano natin maipapakita kung ano ang “pinakamahalagang trabaho” para sa atin?