Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagtulong sa mga Bible Study na Sumulong Tungo sa Pag-aalay at Bautismo

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagtulong sa mga Bible Study na Sumulong Tungo sa Pag-aalay at Bautismo

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Para matamo ng mga Bible study ang pagsang-ayon ni Jehova, dapat silang mag-alay ng kanilang buhay sa kaniya at magpabautismo. (1Pe 3:21) Ang mga namumuhay kaayon ng kanilang pag-aalay ay nagkakaroon ng espirituwal na proteksiyon. (Aw 91:1, 2) Kay Jehova nag-aalay ang isang Kristiyano—hindi sa isang tao, gawain, o organisasyon. Kaya kailangang magkaroon ng pag-ibig at pagpapahalaga sa Diyos ang mga estudyante.—Ro 14:7, 8.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Sa pag-aaral ninyo, talakayin kung ano ang isinisiwalat ng impormasyon tungkol kay Jehova. Idiin ang pagbabasa ng Bibliya araw-araw at pananalangin kay Jehova “nang walang lubay.”—1Te 5:17; San 4:8

  • Pasiglahin ang estudyante mo na gawing tunguhin ang pag-aalay at pagpapabautismo. Tulungan din siyang abutin ang mga panimulang tunguhin, gaya ng pagkokomento sa pulong o pagpapatotoo sa mga kapitbahay at katrabaho. Tandaan na hindi pinipilit ni Jehova ang sinuman na maglingkod sa kaniya. Ang pag-aalay ay isang personal na desisyon.—Deu 30:19, 20

  • Pakilusin ang iyong estudyante na gumawa ng mga kinakailangang pagbabago para mapaluguran si Jehova at maging kuwalipikado sa bautismo. (Kaw 27:11) Kung may mga ugali at bisyo ang estudyante mo na nakasanayan na, baka kailangan niya ng patuluyang tulong para maalis ang dati niyang personalidad at maibihis ang bago. (Efe 4:22-24) Ibahagi sa kaniya ang mga artikulo mula sa serye sa Bantayan na “Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay”

  • Ikuwento sa kaniya ang kasiyahang nararanasan mo sa paglilingkod kay Jehova.—Isa 48:17, 18