Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 87-91

Manatili sa Lihim na Dako ng Kataas-taasan

Manatili sa Lihim na Dako ng Kataas-taasan

Ang “lihim na dako” ni Jehova ay nagbibigay ng espirituwal na proteksiyon

91:1, 2, 9-14

  • Sa ngayon, ang pag-aalay at bautismo ay kahilingan para makatahan sa lihim na dako ni Jehova

  • Ang dakong ito ay hindi alam ng mga hindi nagtitiwala sa Diyos

  • Ang mga nasa lihim na dako ni Jehova ay hindi naiimpluwensiyahan ng sinuman o anuman na makasisira ng kanilang pananampalataya sa Diyos at pag-ibig sa kaniya

Binibitag tayo ng “manghuhuli ng ibon”

91:3

  • Maingat ang mga ibon, mahirap silang mabitag

  • Pinag-aaralang mabuti ng manghuhuli ng ibon ang ugali ng mga ibon at gumagawa siya ng pamamaraan para mabitag ang mga ito

  • Bilang ang “manghuhuli ng ibon,” pinag-aaralan ni Satanas ang bayan ni Jehova at naglalagay siya ng mga bitag para mapahamak sila sa espirituwal

Apat sa nakamamatay na bitag na ginagamit ni Satanas:

  • Pagkatakot sa Tao

  • Materyalismo

  • Masasamang Libangan

  • Di-pagkakaunawaan