Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Ituro ang Katotohanan

Ituro ang Katotohanan

Simula sa Setyembre, ang Workbook sa Buhay at Ministeryo ay magkakaroon ng bagong uri ng sampol na presentasyon na may pamagat na “Ituro ang Katotohanan.” Ang tunguhin natin ay itampok ang isang pangunahing katotohanan sa Bibliya, gamit ang isang tanong at isang teksto.

Kung interesado ang kausap natin, puwede tayong mag-iwan ng isang publikasyon o ipapanood natin sa kaniya ang isang video mula sa jw.org para manabik siya sa susunod na pagdalaw natin. Sikapin nating bumalik sa loob lang ng ilang araw para ituloy ang pag-uusap. Ang bagong mga presentasyon at ang mga bahagi ng estudyante ay ibabatay sa mga paksa sa aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sa aklat na ito, may makikita tayong karagdagang mga materyal at teksto na tutulong sa atin sa pagdalaw-muli o pagdaraos ng pag-aaral gamit lang ang Bibliya.

Iisa lang ang daan patungo sa buhay. (Mat 7:13, 14) Dahil iba-iba ang relihiyon at pinagmulan ng mga kausap natin, dapat nating ibahagi sa kanila ang mga katotohanan sa Bibliya na magugustuhan nila bilang indibiduwal. (1Ti 2:4) Habang nasasanay tayong makipag-usap tungkol sa iba’t ibang paksa sa Bibliya at gamitin “nang wasto ang salita ng katotohanan,” madaragdagan ang kagalakan natin, at maituturo natin sa iba ang katotohanan.—2Ti 2:15.