Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Namatay Rin si Jesus Para sa Kapatid Mo

Namatay Rin si Jesus Para sa Kapatid Mo

Namatay si Jesus para sa mga taong di-sakdal. (Ro 5:8) Talagang malaki ang utang na loob natin kay Jesus dahil minahal niya tayo at ibinigay ang kaniyang buhay para sa atin. Pero kung minsan, kailangan nating alalahanin na namatay rin si Jesus para sa ating mga kapatid. Paano tayo makapagpapakita ng tulad-Kristong pag-ibig sa ating mga kapatid, na gaya natin ay hindi rin sakdal? May tatlong paraan. Una, puwede tayong magpalawak at kaibiganin ang mga taong iba ang pinagmulan. (Ro 15:7; 2Co 6:12, 13) Ikalawa, maging maingat tayo sa ating sinasabi at ginagawa para hindi makasakit sa iba. (Ro 14:13-15) At kung may magkasala sa atin, patawarin natin siya agad-agad. (Luc 17:3, 4; 23:34) Kung sisikapin nating tularan si Jesus, patuloy na maglalaan si Jehova ng kapayapaan at pagkakaisa sa kongregasyon.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING MAS MAHUSAY NA KRISTIYANO! PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Noong una, ano ang tingin ni Miki sa kaniyang kongregasyon?

  • Bakit nagbago ang kaniyang damdamin?

  • Paano nakatulong ang halimbawa ni Jesus para maituwid ni Miki ang kaniyang pananaw? (Mar 14:38)

  • Paano makakatulong ang Kawikaan 19:11 para maging positibo ang pananaw natin sa mga kapatid?