PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Alalahanin ang Asawa ni Lot
Bakit lumingon ang asawa ni Lot habang tumatakas siya mula sa Sodoma? Hindi sinasabi ng Bibliya. (Gen 19:17, 26) Batay sa konteksto ng babala ni Jesus, posibleng nanghinayang ang asawa ni Lot sa mga bagay na iiwan niya. (Luc 17:31, 32) Paano natin maiiwasang maiwala ang pagsang-ayon ng Diyos? Huwag nating gawing priyoridad sa buhay ang paghahangad ng materyal na mga bagay. (Mat 6:33) Itinuro ni Jesus na hindi tayo “maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” (Mat 6:24) Pero paano kung mapansin nating inaagaw na ng materyal na mga bagay ang panahon natin para sa espirituwal? Manalangin kay Jehova para magkaroon ng kaunawaan na makita ang mga kailangan nating baguhin, pati na ng lakas ng loob na magawa iyon.
REPASUHIN ANG VIDEO NA ALALAHANIN ANG ASAWA NI LOT, NA MAY TATLONG BAHAGI. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano nakaapekto sa pag-iisip, pananalita, at pagkilos ni Gloria ang pressure na kumita nang mas malaki?
-
Paano naging babalang halimbawa sa atin ang asawa ni Lot?
-
Paano nakatulong sa pamilya ni Joe ang pagsunod sa mga simulain sa Bibliya?
-
Paano nakaapekto sa espirituwalidad ni Anna ang mga kasama niya sa trabaho?
-
Bakit kailangan natin ng lakas ng loob kapag pine-pressure tayong unahin ang pera sa buhay?
-
Paano muling ginawang priyoridad nina Brian at Gloria ang espirituwal na mga bagay?
-
Anong mga simulain sa Bibliya ang nakita mo sa video na ito?