Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Kabataan—‘Buong Pusong Gumawa ng Mabuti’

Mga Kabataan—‘Buong Pusong Gumawa ng Mabuti’

Nang sumulat si apostol Pablo kay Tito, sinabihan niya ang mga kabataang lalaki, kasama na si Tito, na “maging halimbawa . . . sa paggawa ng mabuti sa lahat ng bagay.” (Tit 2:6, 7) Sa kabanata ring iyon, sinabi niya na nilinis ang bayan ni Jehova para ‘makagawa sila ng mabuti.’ (Tit 2:14) Kabilang dito ang pangangaral at pagtuturo tungkol sa Kaharian ng Diyos. Kung isa kang kabataan, puwede mo bang gamitin ang iyong lakas para makapaglingkod bilang auxiliary o regular pioneer?—Kaw 20:29.

Kung gusto mong magpayunir, gumawa ng makatotohanang plano para maabot ito. (Luc 14:28-30) Halimbawa, paano mo susuportahan ang sarili mo habang nasa buong-panahong ministeryo ka? Paano mo maaabot ang kahilingang oras? Ipanalangin ito kay Jehova. (Aw 37:5) Ipakipag-usap sa mga magulang mo at sa matagumpay na mga payunir ang plano mo, at saka gumawa ng hakbang para maabot ito. Tiyak na pagpapalain ni Jehova ang iyong pagsisikap na paglingkuran siya!

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA KABATAANG NAGPAPARANGAL KAY JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong hamon sa pagpapayunir ang napagtagumpayan ng ilan, at ano ang ginawa nila?

  • Paano matutulungan ng mga magulang ang mga anak nila na maging regular pioneer?

  • Bakit mahalagang magkaroon ng iskedyul sa pangangaral?

  • Paano mapapatibay at matutulungan ng mga nasa kongregasyon ang isang payunir?

  • Anong mga pagpapala ang naghihintay sa mga nagpapayunir?

Paano ko maaabot ang tunguhin kong magpayunir?