Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Makisama sa mga Umiibig kay Jehova

Makisama sa mga Umiibig kay Jehova

Bakit dapat tayong makisama sa mga umiibig kay Jehova? Dahil ang mga kasama natin ay nakakaimpluwensiya sa atin sa ikabubuti o ikasasama. (Kaw 13:20) Halimbawa, ginawa ni Haring Jehoas “ang tama sa paningin ni Jehova” habang kasama niya ang mataas na saserdoteng si Jehoiada. (2Cr 24:2) Pero pagkamatay ni Jehoiada, iniwan ni Jehoas si Jehova dahil sa masasamang kasama.—2Cr 24:17-19.

Noong unang siglo C.E., itinulad ni apostol Pablo ang kongregasyong Kristiyano sa “isang malaking bahay” at ang mga miyembro naman ng kongregasyon sa mga ‘kagamitan,’ o gamit sa bahay. Patuloy tayong “magagamit . . . sa marangal na paraan” kung iiwasan nating makisama sa sinumang gumagawa ng masama sa paningin ni Jehova, kahit kapamilya pa natin siya o kakongregasyon. (2Ti 2:20, 21) Kaya patuloy tayong makisama sa mga taong umiibig kay Jehova at nagpapasigla sa atin na paglingkuran siya.

PANOORIN ANG VIDEO NA IWASAN ANG MASAMANG KASAMA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano posibleng makapasok sa buhay natin ang masasamang kasama?

  • Sa video, ano ang nakatulong sa tatlong Kristiyano para maihinto nila ang pakikisama sa masasamang kasama?

  • Anong mga simulain sa Bibliya ang makatutulong sa iyo sa pagpili ng mabubuting kasama?

Nagagamit ba ako sa “marangal na paraan”? —2Ti 2:21