Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LEVITICO 12-13

Matuto sa mga Kautusan Tungkol sa Ketong

Matuto sa mga Kautusan Tungkol sa Ketong

13:4, 5, 45, 46, 52, 57

Ano ang matututuhan natin sa mga kautusan tungkol sa ketong para maprotektahan natin ang ating espirituwalidad?

  • Tinuruan ni Jehova ang mga saserdote kung paano matutukoy agad ang ketong. Agad ding nagbibigay-pansin ang mga elder sa sinumang nangangailangan ng tulong sa espirituwal.​—San 5:14, 15

  • Dapat sunugin ng mga Israelita ang anumang bagay na nahawahan ng ketong para hindi ito kumalat. Dapat ding iwan ng mga Kristiyano ang mga bagay na puwedeng maging dahilan para magkasala sila, kahit napakahalaga pa nga ng mga ito para sa kanila. (Mat 18:8, 9) Posibleng kasama rito ang mga nakagawian, kaibigan, o libangan

Paano maipapakita ng isang Kristiyano na talagang tinatanggap niya ang tulong ni Jehova?