PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Patuloy na Gamitin ang mga Magasin
Mula noong 2018, ang ating pampublikong mga magasin ay may iisang paksa lang sa bawat isyu. Ang mga magasing ito ay nasa ating Toolbox sa Pagtuturo. Kaya puwede nating gamitin ang mga ito sa ministeryo. Puwede rin tayong magdala ng ilang isyu habang nagbibiyahe o namimili. Ang mga magasing ito ay hindi dinisenyo para gamitin sa pagba-Bible study, pero makakatulong ang mga ito para magkainteres ang mga tao na mas matuto pa tungkol sa Diyos.
Kapag napasimulan na ang pag-uusap, magbasa ng isang teksto at bumanggit ng isang isyu ng magasin na may paksang posibleng magustuhan ng kausap. Halimbawa, kung siya ay may pamilya, nagdadalamhati, o nai-stress, puwede mong sabihin: “May nabasa akong isang magandang artikulo tungkol diyan. Gusto ko sanang ipakita sa iyo.” Kung mapansin mong interesado siya, puwede mo siyang bigyan ng inimprentang kopya ng magasin o padalhan ng electronic format, kahit sa unang pag-uusap pa lang. Hindi natin pangunahing tunguhin ang makapamahagi ng magasin, pero makakatulong ito para mahanap natin ang mga gustong magsabuhay ng mga natututuhan nila.—Gaw 13:48.
2018
2019
2020
Sa anong mga paksa interesado ang mga tao sa inyong teritoryo?