Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gusto Mo Bang Mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers?

Gusto Mo Bang Mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers?

Ikaw ba ay nasa edad 23 hanggang 65 at nasa buong-panahong paglilingkod? Maganda ba ang kalusugan mo at puwede kang maglingkod sa lugar na mas malaki ang pangangailangan? Kung oo ang sagot mo sa mga iyan, napag-isipan mo na bang mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers? Mula noong magsimula ito, libo-libo nang mag-asawa, binata, at dalaga ang nakapag-aral dito. Pero malaki pa ang pangangailangan para sa mga brother na walang asawa. Hilingin kay Jehova na pasidhiin ang kagustuhan mong pasayahin siya at tularan ang kaniyang Anak. (Aw 40:8; Mat 20:28; Heb 10:7) Pagkatapos, pag-isipan kung paano mo babawasan ang iyong trabaho at iba pang obligasyon para maging kuwalipikado ka sa pag-aaral dito.

Anong mga pribilehiyo ang bukás para sa mga nagtapós sa paaralang ito? Ang ilan ay inatasan sa lugar na iba ang wika o sa special metropolitan public witnessing. Ang iba naman ay naging kahaliling tagapangasiwa ng sirkito, tagapangasiwa ng sirkito, o misyonero. Habang pinag-iisipan mo kung ano ang mga puwede mong gawin para kay Jehova, matularan mo sana si propeta Isaias, na nagsabi: “Narito ako! Isugo mo ako!”—Isa 6:8.

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA MISYONERO—MGA MANGGAGAWA SA PAG-AANI. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano pinipili ang mga magiging misyonero?

  • Ano ang naitutulong ng mga misyonero?

  • Ano ang mga pagpapala ng pagiging misyonero?