PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Narito Ako! Isugo Mo Ako”
Dapat tularan ang mapagsakripisyong saloobin ni Isaias. Naipakita niya ang kaniyang pananampalataya nang agad siyang tumugon sa isang pangangailangan, kahit hindi pa niya alam ang lahat ng detalye. (Isa 6:8) Puwede mo bang baguhin ang iyong kalagayan para makapaglingkod kung saan mas malaki ang pangangailangan sa mga tagapaghayag ng Kaharian? (Aw 110:3) Siyempre pa, kailangang ‘tuusin ang gastusin’ bago ito gawin. (Luc 14:27, 28) Pero maging handang magsakripisyo para sa kapakanan ng gawaing pangangaral. (Mat 8:20; Mar 10:28-30) Gaya ng itinatampok sa video na Paglilingkod Kung Saan Malaki ang Pangangailangan, ang mga pagpapalang tinatanggap natin sa paglilingkod kay Jehova ay di-hamak na mas marami kaysa sa isinasakripisyo natin.
PAGKATAPOS PANOORIN ANG VIDEO, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano ang isinakripisyo ng pamilya Williams para makapaglingkod sa Ecuador?
-
Ano ang isinaalang-alang nila noong pumipili ng lugar na paglilingkuran?
-
Anong mga pagpapala ang tinanggap nila?
-
Saan ka makakakuha ng higit na impormasyon kung gusto mong maglingkod kung saan mas malaki ang pangangailangan?
SA INYONG SUSUNOD NA PAMPAMILYANG PAGSAMBA, PAG-USAPAN ANG MGA TANONG NA ITO:
-
Bilang pamilya, paano natin mapalalawak ang ating ministeryo? (km 8/11 4-6)
-
Kung hindi tayo makapaglilingkod kung saan mas malaki ang pangangailangan, paano tayo makatutulong sa ating kongregasyon? (w16.03 23-25)