Tinupad ng Mesiyas ang Hula
Daan-daang taon bago ipanganak si Jesus, inihula ni Isaias na ang Mesiyas ay mangangaral “sa pook ng Jordan, Galilea ng mga bansa.” Tinupad ni Jesus ang hulang ito nang mangaral siya at magturo ng mabuting balita sa buong Galilea.
-
Ginawa niya ang kaniyang unang himala
—Ju 2:1-11 (Cana) -
Pinili ang kaniyang mga apostol
—Mar 3:13, 14 (malapit sa Capernaum) -
Ibinigay ang Sermon sa Bundok
—Mat 5:1–7:27 (malapit sa Capernaum) -
Binuhay-muli ang kaisa-isang anak na lalaki ng isang balo
—Luc 7:11-17 (Nain) -
Nagpakita sa mga 500 alagad nang siya ay buhaying muli
—1Co 15:6 (Galilea)