PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Dinaraig ng Edukasyong Mula sa Diyos ang Diskriminasyon
Hindi nagtatangi si Jehova. (Gaw 10:34, 35) Tinatanggap niya ang lahat ng tao “mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika.” (Apo 7:9) Kaya hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon o paboritismo sa loob ng kongregasyong Kristiyano. (San 2:1-4) Dahil sa edukasyong mula sa Diyos, nararanasan natin ang espirituwal na paraiso kung saan nakikita natin ang pagbabago ng mga tao. (Isa 11:6-9) Natutularan natin ang Diyos kapag sinisikap nating alisin ang anumang bakas ng diskriminasyon sa ating puso.—Efe 5:1, 2.
PANOORIN ANG VIDEO NA JOHNY AT GIDEON: DATING MAGKAAWAY, NGAYO’Y MAGKAPATID NA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Bakit daig ng edukasyong mula sa Diyos ang pagsisikap ng tao na alisin ang diskriminasyon at di-patas na pakikitungo sa kapuwa?
-
Ano ang hinahangaan mo sa ating pandaigdig na kapatiran?
-
Paano naluluwalhati si Jehova kapag napananatili natin ang pagkakaisang Kristiyano?