Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ISAIAS 11-16

Ang Lupa ay Mapupuno ng Kaalaman kay Jehova

Ang Lupa ay Mapupuno ng Kaalaman kay Jehova

Kung paano natupad ang hulang ito sa mga Israelita

  • Hindi na kailangang matakot ang mga Israelita sa mababangis na hayop o sa tulad-hayop na mga tao habang papauwi sila mula sa pagkatapon sa Babilonya o kaya’y noong nasa kanila nang isinauling lupain.—Ezr 8:21, 22

Kung paano natutupad ang hulang ito sa ngayon

  • Ang kaalaman kay Jehova ay nagpabago ng mga personalidad. Ang dating mararahas na tao ay naging mapagpayapa. Ang kaalaman sa Diyos ay nagdulot ng espirituwal na paraiso sa buong daigdig

Kung paano matutupad ang hulang ito sa hinaharap

  • Ang buong lupa ay gagawing paraiso, isang panatag at payapang lugar, kasuwato ng orihinal na layunin ng Diyos. Wala nang mamiminsala—tao man o hayop

Binago si Pablo ng kaalaman sa Diyos

  • Noong Pariseo pa si Pablo, ang kaniyang pag-uugali ay gaya ng isang mabangis na hayop.—1Ti 1:13

  • Binago siya ng tumpak na kaalaman.—Col 3:8-10