Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ISAIAS 17-23

Ang Umaabuso sa Kapangyarihan ay Tatanggalan ng Awtoridad

Ang Umaabuso sa Kapangyarihan ay Tatanggalan ng Awtoridad

Si Sebna ay katiwala na “namamahala sa bahay,” malamang sa sambahayan ni Haring Hezekias. Ang kaniyang posisyon ay ikalawa sa hari, kaya malaki ang inaasahan sa kaniya.

22:15, 16

  • Dapat sana’y binigyang-pansin ni Sebna ang pangangailangan ng bayan ni Jehova

  • Naghangad siya ng sariling kaluwalhatian

22:20-22

  • Inatasan ni Jehova si Eliakim bilang kapalit ni Sebna

  • Ibinigay kay Eliakim “ang susi ng sambahayan ni David,” na lumalarawan sa kapangyarihan at awtoridad

Pag-isipan: Paano sana ginamit ni Sebna ang kaniyang awtoridad para tulungan ang iba?